Pagbuod at Pag-uugnay Flashcards
Ang pagsiksik at pinaikling bersyon ng teksto ng isang impormasyon. Ito ay ang diwa,lagom o pinaka-ideya ng buong teksto.
Pagbubuod ng impormasyon
Maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na binubuo ng mga pangungusap.
Pagbubuod ng mga impormasyon
Teksto ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na maintindihan.
Pagbubuod ng impormasyon
Ginagawa upang mas maintindihan ang tekstong nais ipahayag. Dito maari tayong maglagay ng sarili nating pananaw at opinyon.
Pag-uugnay ng impormasyon
isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin.
Pagbubuod
batay sa antas ng kakayahan ng isang indibidwal na magbigay ng interpretasyon o pagsusuri ng sanggunian.
pagbubuod
Mga Hakbang ng Pagbubuod:
- Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto o akda.
- Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o ang pinaka tema gayundin ang mga susing salita o key words.
- Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
- Sulatin na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
- Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
- Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng gayunpaman at kung gayon bilang pangwakas.
- Huwag magsingit ng mga opinyon.
Makakatulong sa Gawaing Pagbubuod
1.Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan na maaring idulot nito.
2.Ang buod na higit na maiksi.
3.Kailangan ang maayos ang buod na nagtataglay na kakayahang manghikayat, mananaliksik at magbasa sa pangunahing bersyon.
4.Pagbubuod na naglalarawan ng mataas na antas na pag-unawa sa bersyon sa teksto.
Uri ng Pag bubuod
- Lagom o Sinopsis
- Presi
- Sintesis
- Analisis (Pagsusuri)
- Abstrak
- Hawig (Paraphrase)
-Direkta/ Tuwirang Sipi
Maikli lamang ito ngunit hindi nababawasan ang kahulugan ng orihinal. Isinusulat ito sa sariling pangungusap, mas pinaikli ngunit ang diwang tinataglay ay nanatiling naroon
Lagom o Sinopsis –
Hindi personal na interpretasyon o ekspresyon ng sariling opinyon sa mga ideya. Manapa, ito ay isang eksaktong replika ng isang sulatin na kadalasang pinaikli sa sang-kapat hanggang ‘sang-lima na kabuuang haba o laki ng teksto at maipahayag ang kompletong argumento ng buong sulatin.
Presi
Ang presi ay ang pinakaikling buod ng mahalagang
-Punto
-Pahayag
-Ideya
-Impormasyon
Isang anyo ng pag-uulat ng mga tamang impormasyon mula sa mga sanggunian nasa maikling pamamaraan. Pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkalahatang kabuuan.
Sintesis
Paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang suriin ang isang sulatin.
Analisis (Pagsusuri)
Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel-pananaliksik na isinusumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
Abstrak