Kahirapan at Kalusugan Flashcards
isang kakulangan ng pangunahing pangangailangan ng tao
Kahirapan
kalagayang/katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi
Kahirapan
Sanhi at Bunga ng Kahirapan:
- Dinastiyang Politikal
- Unemployment/Kawalan ng trabaho
- Edukasyon
Pagkontrol ng pamilyang elite sa politika at ekonomiya na hadlang sa paglutas sa kahirapan. Ang lokal at pambansang posisyon na sangay ng ehekutibo at lehislatibo na naikikiling nila ang batas at patakaran na pabor sa kanilang interest at kapwa elite.
Dinastiyang Politikal
Pagkakaroon ng sapat na trabaho at mabuhay na lagpas sa pagtatamasa sa oportunidad sa pag-unlad. Batay sa Bank Database (2018-53%) at (2020-17.7%) pinakamababang antas sa Timog Silangang Asya
Unemployment/Kawalan ng trabaho
Walang access ang mga mamamayan sa edukasyon sanhi ng kahirapan kahit merong libreng edukasyon pampubliko.
Edukasyon
Uri ng Kahirapan:
- Lubos na kahirapan
- Relatibong kahirapan
- Pansitwasyong kahirapan
- Talamak (chronic)
- Panlungsod na kahirapan
- Kanayunang kahirapan
- Pinansyal na kahirapan
- Pangkalusugan na kahirapan
Kalagayan na hindi pagkakaroon ng pamamaraan upang makayanang at magkaroon ng kahit na pinakapayak na mga pangangailangang pantao kagaya ng malinis na tubig, nutrisyon, pangkalusugan, kasuotan at tirahan.
Lubos na kahirapan
Isang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kaunting mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa sa mga ibang tao sa loob ng isang lipunan o bansa.
Relatibong kahirapan
Kahirapan pansamantalang lamang kung saan nararanasan ang “situational poverty” sanhi ng bagyo, krisis, paglindol, implasyon, atbp na maaring makakaalis sa uri ng kahirapan kung sa kanyang pagsisikap o kung may tutulong sa kanila.
Pansitwasyong kahirapan
Ang kahirapan ay pinasa sa mga indibidwal o pamilya mula sa mga henerasyon na karaniwang hindi na makaalis sa sitwasyon ng kahirapan.Wala ng dahilan makaalis o kasangkapan na tutulong sa kanila.
Talamak (chronic)
Kahirapan sa lugar ng metropolitan na may populasyon na higit sa 50,000.00 na sobra sa dami ng bilang populasyon. Nagiging sanhi ng karahasan,ingay,sikip na higit nagpapahirap sa mga mahihirap.
Panlungsod na kahirapan
Lugar na lalawigan na may populasyon na 50,000.00 na limitado sa mga serbisyo na magagamit o kailangan sa mga taong nakakaranas ng pampinansyal na suliranin na walang trabaho o kakulangan sa trabaho.
Kanayunang kahirapan
Kahirapan na kakapusan sa pera na pagtutustos sa mga pangunahing pangangailangan.
Pinansyal na kahirapan
Tumutukoy sa isang tao na nagkakaroon ng kahirapan sa pagkain na hindi alam tamang masustansiyang pagkain na puno ng nutrisyon na dapat kainin na nagiging sanhi ng sakit.
Pangkalusugan na kahirapan
Sanhi ng Kahirapan:
- Korapsyon/Katiwalian
- Mataas ng antas ng populasyon
- Katamaran at irresponsible ng magulang
- Kawalan ng edukasyon
- Kawalang trabaho/katamaran
- Imperyalismo
- Pyudalismo
- Neo Kolonyalismo
- Kasakiman
- Kawalan ng disiplina
Pagnanakaw ng mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan.
Korapsyon/Katiwalian
Labis na bilang ng tao na may kakulangan sa pinagkukunang-yaman.
Mataas ng antas ng populasyon
Maling pagplano ng magulang sa buhay at pagiging pabaya sa pagpapalaki ng maayos ng anak.
Katamaran at irresponsible ng magulang
Ang edukasyon ay yaman para sa maginhawang buhay kung kakulangan nito na nagpapahirap sa isang mamamayan na makahanap ng disenteng trabaho.
Kawalan ng edukasyon
Ang isang tao na nasa bahay lang na walang ginagawa upang maiahon ang sarili sa kahirapan o pagiging mapili sa trabaho na wala naman talaga kakayahan.
Kawalang trabaho/katamaran
Patakaran na kung saan ang isang bansa ay nasa kontrol ng ibang bansa na nagdudulot ng masamang impluwensiya at kultura sa bansa.
Imperyalismo
Ang lupain/lupain sakahan ay pag-aari ng iilang mayayaman o makapangyarihan sa lipunan at pamahalaan.
Pyudalismo
Ginagamit ito ng mga tusong mga pamamaraan sa pamamagitan ng ekonomiya at pulitika upang kontrolin nila ang mga mahihirap na bansa.
Neo Kolonyalismo
Pinipiling ipagbili ang kanilang prinsipyo upang umangat.Sobrang gusto yumaman o makaakyat sa itaas kahit madamay at mahatak ang ibang tao sa baba.
Kasakiman
Ahensya ng pamahalaan (Tulong sa mahihirap)
- Department of Social Welfare and Development (DSWD)
- Build, Build, Build Program
- Department of Labor and Employment (DOLE)
Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act of 2010 (4p’s). Tulong ng pamahalaan sa mga mahihirap na tulong pinansyal. Ang layunin na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa kalusugan at edukasyon.
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Proyekto pang-imprastraktura ng pamahalaan ng naglalayong magtatag ng mga daan, tulay, flood control at public transport (daungan, paliparan at riles ng tren) na magbibigay ng trabaho sa mga karaniwang mamamayan.
Build, Build, Build Program
Programa na Nego-Kart Project na pagtulong ng pamahalaan sa mga taga-lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.
Department of Labor and Employment (DOLE)
Batas para sa Kahirapan
- R. A. 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act)
- R. A. 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)
- Executive Order no.353 s.2004
- Executive Order no.52 (Lingap para sa Mahirap Program)
Pagkakaroon ng libreng matrikula at miscellaneous na tulong sa mga mahihirap para makatapos na pag-aaral.
R. A. 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act)
Isang batas na nagpapatibay sa repormang panlipunan at programa ng pagbabawas ng kahirapan.
R. A. 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act)