MANGGAGAWA Flashcards
Paggamit ng lakas,talino at kakayahan ng tao upang makatulong sa produksiyon.
Manggagawa
Buhay at sandigan ng industriya.
Manggagawa
Uri ng Manggagawa:
- Mental/White Collar Job
- Pisikal/Blue Collar Job
Manggagawa na gumagamit ng kanyang mental na kapasidad
Ha: Guro, doctor, manager, inhenyero, abogado
Mental/White Collar Job:
Manggagawa na gumagamit ng kanyang lakas,pisikal, at inerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo. Inuuri kung unskilled, semi-skilled at skilled.
Pisikal/Blue Collar Job
Kabayaran ng Manggagawa:
-Sahod
-Kita
-Nominal Wage
-Real Wage
Kabayarang tinatanggap ng manggagawa kapalit ng kanilang serbisyo at paggawa.
Sahod
Kabayaran ayon sa oras ng pagtatrabaho, piraso o pakyawang produkto, kontratang arawan, lingguhan na sinusuri sa pamamagitan ng paggamit ng wage rate.
Kita
Tumutukoy sa halaga na tinanggap bilang kabayaran sa ginagawang produkto at serbisyo.
Nominal Wage
Tumutukoy sa halaga ng produkto at serbisyo na nabili mula sa kitang tinatanggap.
Real Wage
Katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at kapitalista/kumpanyang na tunay nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa.
Kontraktwal
Pinagkait sa kanya ang katayuang ”regular employee”
Kontraktwal
Pagtatrabaho ng mga nasa gulang 17 pababa habang isinasawalang bahala ang kanilang karapatan tulad ng kalusugan,edukasyon at pagiging bata.
Child Labor/Kabataang Manggagawa:
Tumtukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan.
Mis-Match Job
Isyu ng unemployment/ suliraning na kinakaharap ng mga nagtapos o may degree.
Kawalan ng Trabaho
Mga Batas sa karapatan ng Manggagawa:
- Batas ng Pangulo Blg.442
- Kommonwelt Act Blg.444 at Batas Republika Blg.1933
- Batas Republika Blg.679
- Batas Republika Blg.8187
- Batas Republika Blg.1052
- Batas Republika Blg.1131
- Batas Republika Blg.772
Batas na nagtatakda ng Kodigo ng Paggawa
Batas ng Pangulo Blg.442
Unang batas ukol sa 8 oras ng paggawa.
Kommonwelt Act Blg.444 at Batas Republika Blg.1933
Batas na nagtatakda na pagkaloob ng maternity leave sa mga manggagawang babae ng dalawang buwan.
Batas Republika Blg.679
Batas ng nagbibigay ng isang Linggong pahinga ng mga ama ng tahanan (Fathernity leave) kapag nanganak ang asawa.
Batas Republika Blg.8187
Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa.
Batas Republika Blg.1052
Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na walang pang 18 taong gulang.
Batas Republika Blg.1131
Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho.
Batas Republika Blg.772
Tumutukoy sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat at mabigyan ang pamilya ng magandang buhay.
Migrante/ OFW
Tinatawag na “Bagong Bayani” na ang remittance na may 33.2 bilyon dolyar [2020] na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Migrante/ OFW
Tawag sa mga taong lumilipat ng lugar mula sa iba pang lugar maging ito man pansamantala o permanente.
Migrante/ OFW
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis mula sa isang teritoryong pulitikal patungo sa iba pa maging ito man pansamantala o permanente.
Migrasyon
Tumutukoy sa dami/bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan isang taon na madalas gamitin ang mga salitang inflow, inters or permanente.
Flow
Bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
Stock
Kategorya ng Migranteng Pilipino:
1.Immigrant
2.Migrant/ Pansamantala
-may dokumento/ mayroong legal na kontrata.
-hindi dokumentado/ walang legal na kontrata.
Tumutukoy sa mga Pilipinong permanente nang nanirahan sa ibang bansa.
Immigrant
Tumutukoy sa Pilipinong pansamantalang paninirahan.
Migrant/ Pansamantala
Dalawang klasipikasyon OFW
- Land- based Workers
- Sea-based Workers
Tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa mga pabrika, konstruksyon, ospital, opisina at ibang sektor kagaya ng household service, atbp.
Land- based Workers
Tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa mga barko gaya ng cargo ships, cruise lines at atbp.
Sea- based Workers
Tumutukoy sa mga nagtatrabaho sa mga barko gaya ng cargo ships,cruise lines at atbp.
Sea-based Workers
Dahilan sa pag-alis ng OFW:
1.Kawalan ng hanapbuhay/trabaho
2.Kahirapan
3.May mataas ang suweldo
4.Pagkakaroon ng permanente paninirahan sa ibang bansa.
5.Ligtas ang paninirahan
6.Panghihikayat ng pamilya
7.Kinabukasan ng kasapi ng pamilya.
Immigrant/Permanente na Pilipino sa ibang bansa:
1.Doon ipinanganak.
2.Lumaki o naglagi sa loob ng mahabang panahon.
3.Nakapag-asawa ng dayuhan.
Proseso sa pagiging Immigrant/ Permanente:
1.Kailangan maging permanenteng residente/green card holder.
2.Pagkuha ng pagsusulit sa pagkamamamayan.
3.Panukalang pagbabago sa mga batas ng mamamayan.
4.Seremonya ng pagkamamamayan.
Uri ng Migrasyon:
- Labor migration
- Refugees migration
- Permanent migration
a. Family - Based Immigration
b. Employment- Based Immigration - Irregular migration
- Temporay Migration
Taong nanganganib ang kanyang buhay sanhi ng pulitika,digmaan sibil,atbp.
Refugees migration
OFW na may layunin na hindi lamang magtrabaho sa ibang bansa kundi maging permanenteng manirahan sa bansa. Pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Permanent migration
Kung isang miyembro ng pamilya ay permanente ng residente ng ibang bansa na maari ng magpetisyon ang kanyang asawa,anak,magulang at kapatid upang maging permanenteng residente ng bansa.
Family - Based Immigration
Binigyang oportunidad ng employer ang isang manggagawa na nakitaan ng potensiyal sa trabaho na maging permanenteng residente na kapalit ng pagtanggap sa trabaho.
Employment- Based Immigration:
Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,walang permit sa trabaho,overstaying sa pinuntahan bansa.
Hal: bilog(Japan),OS (Hongkong)
Irregular migration
Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
Temporay Migration
Dahilan sa likod ng Migrasyon:
-Economic Migration
-Social Migration
-Political Migration
-Environmental Migration
Batas sa Migrante (OFW):
- Republic Act 10022
- Republic Act 9208
- Overseas Absente Voting Act of 2003
- Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003)
- Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995)
- Republic Act 7111 (Overseas Workers Investment (OWI) Fund Act)
Pagpapabuti sa pamantayan ng proteksyon at pagtaguyod sa kapakanan ng mga migrant workers/ OFW.
Republic Act 10022
Batas para wakasan ang trafficking in person lalo na ang mga babae at bata na layunin ng batas na magpatupad ng mga patakaran at paraan na maprotektahan at suportahan ang mga biktima ng trafficking at maparusahan ang lumalabag sa batas nito.
Republic Act 9208
Ang Pilipino sa abroad ay pinapayagang bumuto at pumili ng kandidato sa pangulo,pangalawang pangulo at partylist representative
Overseas Absente Voting Act of 2003
Nagbibigay pagkakataon sa mga natural born Filipinos na nawalan ng Filipino citizenship sa pamamagitan ng naturalization sa isang foreign country na ang oportunidad na manatili o maging Filipino citizen muli.
Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003)
Patakaran ng Overseas Employment na magtatag ng pamantayan ng proteksiyon at promosyon ng kapakanan ng mga migranteng manggagawa,kanilang pamilya, mga Pilipinong nagdurusa at mga ibang layunin.
Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995)
Pagtaguyod ng mga Overseas Workers na investment fund upang magbigay ng insentibo sa mga overseas workers,bawasan ang pasanin ng dayuhang utang at ibang pang layunin.
Republic Act 7111 (Overseas Workers Investment (OWI) Fund Act)
Mga Ahensiya:
- Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
- Department of Foreign Affairs (DFA)
- Department of Labor ang Employment (DOLE)
Responsible sa pagpapahusay ng mga benepisyo sa overseas employment na itinaguyod at minomonitor nito ang trabaho ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).Tungkulin nito ang subaybayan ang lahat ng recruitment agency sa Pilipinas.
Philippine Overseas Employment Administration(POEA)
Pinoprotektahan at itinataguyod ang kapakanan ng mga OFW pati na ang kanilang pamilya. Natutulungan nitong mapadali ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang pagluwas sa ibang bansa
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Tungkulin na mamahala sa pagpapabuti ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa upang matulungan ang mamamayang PIlipno sa anuman suliranin..Ito ang nangangasiwa sa gawain ng mga embahada ng Pilipinas sa ibang bansa.
Department of Foreign Affairs (DFA)
Nagpapatupad sa paggawa ng patakaran at nagpapatupad ng mga programa at serbisyo na nagsisilbing ugnayan at kaagapay ng pamahalaan sa mundo ng paggawa.
Department of Labor ang Employment (DOLE)