KORAPSYON Flashcards
Maling paggamit ng posisyon para sa pansariling kapakinabangan.
Korapsyon
Pangkalahatan uri ng Korapsyon sa Pilipinas
-Petty/ maliitang korapsyon
-Grand/ malakihang korapsyon
-Pulitikal korapsyon
Karaniwang nasasangkot na sa maliitang korapsyon ang mga mababang opisyal ng pamahalaan na hindi nabibigyan ng sapat na sahod upang makapamuhay nang matiwasay.
-Petty/ maliitang korapsyon
Sangkot naman ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa mga malalaking kontrata at proyekto na pinamuhunan ng pamahalaan o mga pribadong ahensya
-Grand/ malakihang korapsyon
Manipulasyon ng mga polisiya ng institusyon at proseso para sa impluwensiya ng mga tao sa pamahalaan.
-Pulitikal korapsyon
Salitang “lingo” ng mga tiwaling transaksyon
-Areglo/ Ayos
-Backer
-Barya-barya
-Komisyon/ Rebate
-Lagay/ Suhol
-Lakad
-Lutong-makaw
-SOP
-Tongpat o Patong
-Padulas
-Pang-merienda
Pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit hindi katanggap-tanggap.
-Areglo/ Ayos
Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta kapalit ang partikular na presyo
-Backer
Maliit na paglalagay
-Barya-barya
Kabayaran sa transakyong iligal
-Komisyon/ Rebate
Isang materyal o salapi na ibinibigay bilang kapalit sa hinihinging pabor.
-Lagay/ Suhol
Pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon, partikular sa pagkuha ng permit o lisensya
-Lakad
Katawagan sa pagdedesisyong mas pinapaboran ang isang panig nang walang batayan
-Lutong-makaw
Ang awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay sa opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang transaksyong iligal.
-SOP (Standard Operating Procedure)
Halagang idinadagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o serbisyo na magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transaksyon
-Tongpat o Patong
Perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon
-Padulas
Maliit na lagay
-Pang-merienda
Porma ng Korapsyon
- Panunuhol/Pagtanggap ng suhol
- Pangingikil
- Kickbacks
- State Capture
- Pag-aabuso sa Kapangyarihan
- Pakikipagsabwatan
- Pandaraya sa halalan
- Padrino/Palakasan
- Blackmail
Ang pagbibigay ng benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang tao. Maaari din itong maging pampadulas o maliit na halagang hinihingi ng mga opisyal ng pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo na karapatan mo namang tamasahin.
Panunuhol/Pagtanggap ng suhol
Paggamit ng pananakot, paninira, o iba pang pagbabanta upang mapuwersang makipagtulungan ang isang tao.
Pangingikil
Iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mang-impluwensya sa mapipiling bigyan ng isang kontrata o transaksyon.
Kickbacks
Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo.
State Capture
Isang gawain na kapag nasa panunungkulan ay lahat para sa sarili na lamang ang iniisip.
Pag-aabuso sa Kapangyarihan
Nangyayari ito mula sa mataas na posisyon sa pamahalaan, nagkakaunawaan ang mga ito sa lahat ng transaksyon kung saan kumita ito ng malalaki. Bawat tranksyon ay may nakasaad na presyuhan at magkakaroon ng share ang mga kasabwat sa gawain.
Pakikipagsabwatan
Lantarang ginagawa ng karamihan sa mga kandidato sa eleksyon. Maaring bago ang eleksyon ay namimili na ang mga ito ng boto sa mga tao o paraan magbibigay ng mga grocery.
Pandaraya sa halalan
Isang paraang ng gamitin ng pangalan ng tao na nasa mataas na posisyon sa pamahalaan. Minsan tinatawag itong resita na ang ibig sabihin “rekomendasyon” na isinulat lang ng opisyal sa isang pirasong papel
Padrino/Palakasan
Dayaang pananakot ng isang tao kapag hindi bumigay sa kasunduan nilang dalawa. Maaring ang pananakot ay magsisilbing paninirang puri kapag nagkaroon ng lokohan ang dalawa.
Blackmail
Pormula ng Korapsyon
C= M + D – A
C ay Corruption o Korapsyon
M ay Monopoly o Monopolyo
D ay Discretion o Kalayaang pumili
A ay Accountability o Pananagutan