Pagbasa Flashcards
gintong susi sa pagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Pagbasa
Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita.
Pagbasa
Interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagbasa
Paraan ng pagtanggap ng mensahe na pagtugon sa damdamin at kaisipan.
Pagbasa
Kahalagahan ng Pagbabasa:
1.Pangkasiyahan
2.Pagkaalaman
3.Pangmoral
4.Pangkasaysayan
5.Pangkapakinabangan
6.Paglalakbay-diwa
Nagiging hobby/libangan ang pagbabasa na nakakakuha tayo ng mga mahahalagang impormasyon.
Pangkasiyahan
Pagkuha ng impormasyon sa karagdagang kaalaman na mga bagay sa kapaligiran at pamumuhay.
Pagkaalaman
Pagbibigay ng kabatiran [aral,kaalaman] na mga aral sa buhay sa pangaraw-araw na nagbibigay direksyon o gabay sa pananaw at paniniwala sa buhay.
Pangmoral
Nalalaman ang nakaraan upang maingatan at mapaghandaan ang kasalukuyan.Makakakuha ng aral bilang tao.
Pangkasaysayan
Ang pagbabasa nagsisilbing puwersa sa pagtuklas sa matayog na kaisipan at landas ng malayuning aktibidad sa buhay sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon na kailangan natin sa pansariling pag-unlad.
Pangkapakinabangan
Pagkakaroon ng pagkilala/pamilyaridad sa paglalarawan sa mga binabasa.Ang halimbawa sa mga lugar/pook o ibang paksang nabasa na.
Paglalakbay-diwa
Salik ng Pagbasa
- Uri ng Bokabularyo/Talasalitaan
- Balangkas [outline] at istilo ng pagpapahayag
- Nilalaman/paksa na binasa
Uri ng Bokabularyo/Talasalitaan
1.Dapat sanayin ang sarili sa pag-imbak ng salita.
2.Paggamit ng diksyunaryo [paggamit sa pangungusap]
3.Context clue[pahiwatig ng konteksto]
Pagkilala sa pagkakaiba ng pagkuha ng Impormasyon;
-Katotohanan
-Opinyon
Kailangan ang impormasyon ng pahayag na mapatunayan/napasubalian sa pamamagitan ng emperikal na pananaliksik,pag-aaral at pangkalahatan kaalaman o impormasyon na mula sa reputableng tagapaglathala.
Katotohanan
Ang pahayag na nagpapakita lamang pananaw at ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao na walang batayan o pagpapatunay.
Opinyon
Dapat Isaalang-alang sa Pagbasa:
1.Paningin [kundisyon]
2.Kalusugan [katawan]
3.Kalagayan ng kapaligiran
4.layunin ng pagbasa
5.Dahilan sa pagpapalawak ng talasalitaan/bokubularyo
Uri ng Bilis/Bagal ng Pagbabasa
- Dahilan at layunin
- Kahirapan/kadalian ng impormasyon seleksiyong binabasa
- Pormat/pagkakaayos ng seleksiyon
- Kasanayan/kakayahan sa pagbasa
5.Lawak ng kaalaman sa paksang babasahin
Proseso /Hakbang ng PAGBASA
- Persepsyon/Pagkilala
- Komprehensyon/Pag-unawa
- Reaksyon
- Assimilasyon/Integrasyon
Pagkilala sa salita at kahulugan nito na nababasa,nabibigkas at nauunawaan ang salitang nakalimbag na alam niya ang anyo,ekstruktura at kahulugan ng salita.
Persepsyon/Pagkilala
Nauunawaan ang kaisipan na ipinapahayag ng salitang nakalimbag.Pagkilala sa kaugnayan ng salita sa salita,salita sa pangungusap at pagpapahayag[diskurso]. Naunawaan ang kaisipan/diwa ng kabuuan ng akda.
Komprehensyon/Pag-unawa
Kakayahan humatol o magpasya ng kawastuhan, kahusayan at aral ayon sa akdang binasa.
Reaksyon
Dalawang Paraan ng Reaksyon
-Intelektuwal
-Emosyonal
Kakayahan na pagsamahin at pag-ugnayin ang mga nakaraan karanasan at bagong karanasan ayon sa nabasang akda.
Assimilasyon/Integrasyon
Pananaw at Teorya sa Pagbasa
a. Teoryang Bottom-up
b. Teoryang Top-down [Taas-pababa]
c. Teoryang Interakctib
d. Teoryang Iskima
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga seryeng nakasulat sa simbolo at maibigay ang katumbas nitong tugon. Ang pagkatuto na nagsisimula sa yugtong pagkilala ng titik ng salita,parirala at pangungusap ng akda at pagpapakahulugan sa buong akda.
Teoryang Bottom-up
Ang mambabasa ay may taglay na dating kaalaman (prior Knowledge) at karanasan na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency).
Teoryang Top-down [Taas-pababa]
Kombinasyon ng Teoryang Bottom up at Top down.
Teoryang Interakctib
Pagbasa ng akda na patunayan kung ang mga hinuha [pala-palagay] o ekspektasyon ay wasto, may kulang o baguhin.Ang sentro ng pag-unawa ang nabuong isipan ng mambabasa.
Teoryang Iskima
Iba’t-ibang uri ng Pagbasa
- Iskaning/Pahapyaw na Pagbasa
- Iskiming /Pinaraanang Pagbasa
- Previewing/Suring basa
- Kaswal
- Pagbasang Pang-impormasyon/Pang-impormatib
- Matiim na pagbabasa/Masusing pagbabasa
- Re-Reading o Muling Pagbasa/Pamuling Pagbasa
8.Pagtatala/Basang Tala
9.Predikting na pagbasa
10.Interpreting/Interpretasyong pagbasa
Mabilisang pagtingin sa mga tala/teksto na may layunin kuhanin ang impormasyon, detalye at bagay na kailangan
Iskaning/Pahapyaw na Pagbasa
Masaklaw/mabisang pagbasa na naglalayong makakuha ng pangkalahatang ideya o impresyon.
Iskiming /Pinaraanang Pagbasa
Sinusuri ang kabuuan,estilo at register ng wika ng sumulat.
Previewing/Suring basa
Pagbasa na palipasin ang oras o maglibang o may inaantay upang hindi mainip.
Kaswal
Pagbasa upang mapataas ang kaalaman at madagdagan ang
ideya, impormasyon, paksa o napapanahong isyu sa mga aspekto ng pamumuhay ng tao.
Pagbasang Pang-impormasyon/ Pang-impormatib
Ito’maingat na pagbasa at ang layuning na maunawaang ganap ang binabasa upang matugunan ang pangangailangan tulad ng reports,riserts,atbp.
Matiim na pagbabasa/Masusing pagbabasa
Pag-uulit sa pagbasa ng teksto na hindi nauunawaan kagaya ng salita,pagkabuo ng pahayag at ideya.
Re-Reading o Muling Pagbasa/ Pamuling Pagbasa
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-iimbak ng impormasyon.
Pagtatala/Basang Tala
Pagbibigay ng kahulugan o hinuha [pala-palagay] sa binasa kahit hindi pa natatapos ang binabasa na teksto/akda.
Predikting na pagbasa
Pagbibigay ng interpretasyon o pagpapakahulugan sa binasa sa tulong ng salita at pag-uugnay sa pangungusap sa dating kaalaman ng mambabasa.
Interpreting/Interpretasyong pagbasa
Elemento ng Pagbasa
- Bokabulary/ Talasalitaan
- Kahusayan sa Pagbasa
- Pag-unawa
- Palabigkasan at Palatunugan
Kailangang mahusay at malawak ang kaalaman upang makatulong sa pagbasa at pag – unawa sa paksa.
Bokabulary/ Talasalitaan
Tumutukoy sa kakayahan bumasa ng mabilis at wasto.
Kahusayan sa Pagbasa
Pag – intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita.
Pag-unawa
Matututo at magbaybay ng salita ng mag – aaral at kakayahang makarinig at makagamit ng iba’t – ibang tunong ng salita.
Palabigkasan at Palatunugan
Antas ng Pagbasa
- Literal na Pag-unawa
- Pag-unawang Kritikal
- Reaksiyon
- Asimilasyon/ Integrasyon
Kakayahan kilalanin ang katotohanan o opinyon sa binasa. Ang mahalaga ang kakayahang sa pag – alam ng diwa ng binabasa.
Literal na Pag-unawa
Nangangailangan ng masusing pag – aaral sa paksang tinalakay ng may – akda. Kailangan ng may malawak na kaalaman sa paksang binabasa upang masuri ang mga punto at makabuo ng isang matatag na pananaw hinggil sa akda.
Pag-unawang Kritikal