MODYUL 2_ SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON Flashcards
Isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa liwanag
Radyo
Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
Telebisyon
Isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Talumpati
Ahensyang nangangasiwa sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan.
Pakikipanayam
Masusi at maingat na pag-aaral tungkol sa pagbabaybay ng mga salita.
Ortograpiya
Walitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng nakapag-aral ng wika.
Pormal na wika
Dalawang uri ng Pormal na wika
- Pambansa
- Pampanitikan
Salitang ginagamit sa mga aklat pangwika, pampamahalaan at paaralan
Pambansa
Salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda na karaniwang matatayog, masining at ginagamitan ng idyoma
Pampanitikan
Mga salitang karaniwan at madalas na gamitin sa
pakikipag-usap sa mga kaibigan o kakilala.
Impormal na wika
Tatlong uri ng impormal na wika
- Lalawiganin
- Kolokyal
- Balbal
Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan, madalas ang pagkakaroon ng punto sa pagsasalita ng mga taong kabilang sa lugar na yaon.
Lalawiganin
Pagpapaikli ng isang salita, katulad ng meron sa mayroon, ‘asan sa nasaan, ‘lika sa halika atbp.
Kolokyal
Mga salitang nalilikha ng grupo ng tao upang maging wika nila at sila lang ang nakakaintindi. Salitang kanto ang karamihan nito.
Balbal