LESSON 5_ JACKOBSON Flashcards

1
Q

Pagpapahayag ng emosyon

Depinisyon: Nagpapahayag ng damdamin, emosyon, at saloobin.

Halimbawa: “Wow, ang ganda ng pelikula!” (Nagpapakita ng paghanga).

Personal na gamit ng wika

A

Emotive

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Panghihikayat

Depinisyon: Gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya ng iba.

Halimbawa: “Kumain ka na ng tanghalian.” (Nanghihikayat na kumain).

Instrumental (?) na gamit ng wika

A

Conative

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Pagsisimula ng pakikipag- ugnayan

Depinisyon: Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

Halimbawa: “Magandang umaga! Kamusta ka na?” (Nagsisimula ng usapan).

Interaksyonal na gamit ng wika

A

Phatic

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Pagbibigay ng Impormasyon

Depinisyon: Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Halimbawa: “Nabasa ko sa libro na ang mundo ay bilog.” (Nagbibigay ng impormasyon mula sa pinagkukunan).

Impormatib na gamit ng wika

A

Referential

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Pagpapapliwanag ng kodigo o batas

Depinisyon: Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

Halimbawa: “Ayon sa R.A. 10531, ang Pilipinas ay may pinakamaraming bilang ng mga gumagamit ng sigarilyo sa Timog-Silangang Asya.” (Nagpapaliwanag ng bataso kodigo).

Regulatori na gamit ng wika

A

Metalingual

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Patalinghaga

Depinisyon: Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Halimbawa: “Ang buhay ay isang paglalakbay sa ilalim ng malamig na buwan.” (Gumagamit ng wika sa masining na paraan).

Imahinatibo na gamit ng wika

A

Poetic

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q
  • Iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog.
  • Karamihan sa mga ito ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting).
  • Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.
A

Blog

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ay liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagsapalaran

A

Liham Pangangalakal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa.

A

Lipunan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Isa sa mga uri ng pananalita o pangungusap na kadalasang naglalahad ng pagbati, mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino, o pagbibigay-galang sa mga nakatatanda

A

Pormulasyong panlipunan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q
  • Isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
  • Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
  • Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig.
A

Wika

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly