LESSON 6_ GAMIT NG WIKA SA TELEBISYON AT PELIKULA Flashcards
Talasalitaan
- Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng ugnayan. Tumutulong para maibahagi ang mga bagay bagay o kaalaman na gustong iparating sa kapwa.
- Madaling naipaparating sa kapwa ang mga gusto ipahiwatig at mga nararamdaman.
- Karaniwang ginagamitan ng diyalogo ay ang iskrip sa paggawa ng isang dula o pelikula
Diyalogo
Talasalitaan
- Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan, bilang isang anyo ng sining o bahagi ng industriya ng libangan.
Pelikula
Talasalitaan
- Ang Kulumpol ng Panatag o Bajo de Masinloc, mas tamang
sinasalarawan bilang isang pangkat ng mga pulo at bahura sa isang hugis atol sa halip na kulumpol, ay matatagpuan sa Pampang ng Macclesfield at Luzon, Pilipinas sa Dagat Timog Tsina, partikular ang Dagat Luzon. - Katulad din ng karamihan ng anyong lupa sa dagat, pinagtatalunan ang soberenya ng lugar na ito. Ito ay inaankin ng Pilipinas, Tsina at Taiwan bilang kanilang territoryo.
Scarborough/Panatag Shoal
Talasalitaan
- Ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa).
- Ito ay tinatawag na Clause sa wikang Ingles.
Sugnay
- Mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing
sa mga salita, parirala at sugnay. - Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang
paulit-ulit na ginagamit sa isang teksto o pahayag. - Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit ng
panghalip tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa.
Cohesive device/ Kohesiyong gramatikal
Kohesiyong Gramatikal
- Paliwanag: Ay ang paggamit ng mga panghalip o iba pang salitang tumutukoy sa naunang nabanggit na tao, bagay, o ideya sa teksto.
- May dalawang uri ito:
Reperensiya (Reference)
Kohesiyong Gramatikal
Dalawang uri ng Reperensiya
Anapora
Katapora
Dalawang uri ng Reperensiya
Kung kailangang *bumalik sa teksto *upang malaman kung
sino o ano ang tinutukoy.
-
Halimbawa: “Nasa sala si Maria. Siya ay nanonood ng
telebisyon.”
Anapora
Dalawang uri ng Reperensiya
Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa.
- Halimbawa: “Sila ang naging dahilan ng tagumpay. Sina *Ana at Liza *ay nagtrabaho nang husto.”
Katapora
Kohesiyong Gramatikal
Paliwanag: Ito ay ang pagpapalit ng ibang salita sa halip na ulitin ang naunang salita, upang maiwasan ang pag-uulit ng parehong termino.
- Halimbawa: “Mataas ang presyo ng bigas sa palengke. Ito ay nakakabahala para sa mga mamimili.”
Substitusyon
Kohesiyong Gramatikal
Paliwanag: May mga bahagi ng *pangungusap na binabawas o hindi inuulit *dahil maiintindihan ito batay sa naunang pahayag. Karaniwan itong ginagamit upang maiwasan ang pagiging paulit-ulit ng mga salita.
- Halimbawa: “Gusto ko ng mangga, at si Ana rin (gusto ng mangga).” Ang nawawalang bahagi ay “gusto ng mangga” ngunit malinaw na ito ay tinutukoy sa unang bahagi ng pangungusap.
Ellipsis
Kohesiyong Gramatikal
Paliwanag: Ang mga pang-ugnay ay ginagamit upang pag-ugnayin ang mga parirala, sugnay, at pangungusap, na nagbibigay linaw sa relasyon ng mga ideya. Nagagamit ito upang maging mas maayos at magkakaugnay ang mga bahagi ng pahayag.
-
Halimbawa:
“Nag-aral siya nang mabuti, kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.”
“Maganda ang panahon at masaya ang mga tao sa pagdiriwang.”
Pang- ugnay
Kohesiyong Leksikal
Paliwanag:
- Tumutukoy sa pag-uulit ng salita o pagpapalawak sa ideya
- Maaaring maganap sa tatlong paraan:
Reiterasyon
Kohesiyong Leksikal
Tatlong uri ng Reiterasyon
Pag- uulit (Repetisyon)
Pag iisa- isa
Pagbibigay- kahulugan
Tatlong uri ng Reiterasyon
Paliwanag: Inuulit ang mismong salita.
- Halimbawa: “Masarap ang pagkain. Oo, masarap talaga.”
Pag- uulit (Repetisyon)