MODULE 8: PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES: PAGBUO NG LAKBAY-SANYSAY Flashcards
“Ang layon ng HUMANIDADES ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito.”
J. IRWIN MILLER
“Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipin at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para sa magkaroon ng karera sa hinaharap”
NEWTON LEE
Ano ang LAYUNIN ng Larangan ng Humanidades?
“Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao,”
Ang kaniyang kaisipan, kalagayan, at kultura ang binibigyan-tuon sa pag-aaral ng HUMANIDADES.
TAO
Ano-ano ang mga disiplina sa larangan ng Humanidades?
1) PANITIKAN
2) WIKA
3) PILOSOPIYA
4) RELIHIYON
5) SINING (BISWAL) PELIKULATEATROSAYAW
APPLIED - GRAPHICS
6) INDUSTRIYA/FASHIO
7) INTERIOR DEKORATIBO
8) FINE ARTS (MALAYANG SINING)CALLIGRAPHYSTUDIO ARTS *ART HISTORY *PRINT MAKING
*MIXED MEDIA
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang _____________ ___ __________ sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado, at sa mga kursong praktikal, propesyonal, at siyentipiko.
REAKSIYON SA ISKOLATISISMO
Ano ang METODOLOHIYA at ESTRATEHIYA ng Humanidades?
1) ANALITIKAL NA LAPIT
2) KRITIKAL NA LAPIT
3) ISPEKULATIBONG LAPIT
Ang ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa
ANALITIKAL NA LAPIT
Kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya
KRITIKAL NA LAPIT
Ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat
ISPEKULATIBONG LAPIT
Ibigay ang mga HALIMBAWA ng mga PAMAMARAAN at ESTRATEHIYANG ginagamit sa mga LAPIT (analitikal, kritikal, ispekulatibo)
a. DESKRIPSIYON O PAGLALARAWAN
b. PAGLILISTA
c. KRONOLOHIYA O PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
d. SANHI AT BUNGA
e. PAGKOKOMPARA
f. EPEKRTO
“Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw ang ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa na namang bagong araw. Katakam-takam tingnan ang mga sariwang gulay, ang kumikinang-sa-karaniwang mga isda, mga bagong dating na karne, prutas, at iba pa.” Feodor Villarin, “Mas Mahalaga Kaysa Uno” Binhi,1990
DESKRIPSIYON O PAGLALARAWAN
“Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng (1) pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero, (2) pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang koponan, (3) pagbili ng mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera (“gold”) ng bawat player mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.” – Gerard P. Concepcion, “Ang Umuusbong na Wika ng Kabataang Pilipino sa Paglalaro ng DOTA” Salindaw,(2012)
PAGLILISTA
“Ang mga pangyayari sa tinatawag na telecommunication revolution ay nagdulot ng malaking impak sa teknolohiya ng komunikasyon mula nang maipakilala ang telegraph noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse Code noong 1844 (Search Unified Communication). Ang mga tuklas na ito ang nagbunsod sa iba’t ibang modipikasyon at pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon.Taong 1960 nang magkaroon ng telecommunication satellite na isang balloon. Naging sunud-sunod na ang lalo pang pag-unlad ng teknolohiya hanggang sa makapaglagay ng unang satellite sa kalawakan, ang Telstar, na naging dahilan upang maging posible ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo (Harasim, 1993:5). – Mary Anne S. Sandoval, “Wika sa Komnet, Isang Bagong Rehistro ng Wikang Filipino” Salindaw,(2012)
KRONOLOHIYA O PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI
“Nakababahala para sa mga magulang kung Jejemon ang isang anak dahil nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung talagang nahumaling na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon, ginagamit niya na rin ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon, magkakaroon ng isang harang sa pagitan ng magulang at anak sa komunikasyon. Dahil dito, maaaring mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga magulang. Vivencio M. Talegon, “Kultura at Sistemang Jejemon: Pag-aaral sa Varayti at Baryasyon ng Filipino Slang”Salindaw,2012
SANHI AT BUNGA