Malayuning Komunikasyon sa Wikang Filipino Flashcards
Ito ay nagsisilbi bilang daan ng pakikipagtalastasan ng tao sa kapwa dahil ito ay isang arbitraryong tunog o ponema na ginagamit ng tao
Wika
Ang wika ay _________ dahil ito ay pinagtatalunan ngunit napagkasunduan gamitin
Arbitraryo
“Ang wika ay simbolong gawaing pantao, sentral na elemental sa lahat ng atin gawain”
Archibald Hill
“Ang wika ay isang uri ng ugaling pangkultura”
Clyde Kluckhon
Ito ay isa sa mga dayalekto o wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan at isa itong wikang natural na mula sa wikang Tagala na may katutubong tagapagsalita
Tagalog
Ito ang tawag sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas
Pilipino
Ang salitang _________ ay hindi Tagalog dahil galing ito sa Ingles bilang katawagan sa internasyunal na pagkakakilanlan
Filipino
Katagang naitala ni Grace de Guna sa kanyang aklat na Speech: It’s Function and Development noon 2013
“Men do not speak simply to relieve their feelings or to air views but to awaken a response in their fellows and to influence their attitudes and acts”
Nakalahad sa Artikulo XIV Seksyon 6-9 ng Konstitusyong 1987 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay _________
Filipino
Nakalahad sa _________ ng Konstitusyong 1987 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino
Artikulo XIV Seksyon 6-9
Ang wika ayon kay Sapir
“Ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosalisasyon”
Ang teoryang pangwika na ito ay nagsasabi na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang indibidwal
Sosyolingwistong Teorya
Naniniwala ang Sosyoilngwistong Teorya na:
“Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura”
Ang teoryang pangwika na ito ay batay kay Burrhus Fredric Skinner
Teoryang Behaviorist
Ang Teoryang Behaviorist ang teoryang pangwika na nagsasabing ang gawa at kilos ay maaring hubugin sa pamamagitan ng _________
Pagkontrol sa kapaligiran
Ang teoryang pangwika na ito ay nagmula sa second language acquisition
Teoryang Akomodasyon
Siya ang proponent ng Teoryang Innative
Noam Chomsky
Pinanalagay ng teoryang pangwika na ito na ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula sa pagsilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kapaligiran
Teoryang Innative
Ang mga kognitibist ay naniniwala:
Ang pagkakamali ay palatandaann ng pagkatuto
Binigyang tuon ng teoryang ito ang kahalagahan ng mga salik na may kinalaman sa damdamin at emosyonal na reaksyon
Teoryang Makatao
Ayon sa kanya, ang barayti ng wika ay isang set ng mga lingwistik aytem na may pagkakatulad ng pamamahagi o distribusyon
Hudson
Nakabatay ito sa Teoryang Sosyolingwistik na siyang nagbibigay daan sa pagkakaroon ng barasyon ng isang wika ayon kay Alfonso
Ang wika ay isang maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na nauugnay partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyon
Ito ay ang barayti ng wika na nagpapakilala sa tao kung sino siya at kung saang lalawigan o pook nagmula
Dayalekto
Ito ang tawag sa tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng gawain o larangan
Jargon
Ito ay salitang jargon na nagpapakilala sa mga guro o konektado sa edukasyon
Lesson Plan
Ito ay ang barayti ng wika na tumutukoy sa nakasanayang pagsasalita ng tao o maari ring grupo ng tao
Idyolek
Ito ang barayti ng wika na nababatay sa pangkat panlipunan na kinabibilangan
Sosyolek
Ito ang tinatawag na “nobody’s native language” na nangyayari kapag ang mga tagapagsalita ay mayroong magkaibang wika na walang komong wika kaya nagkakaroon ng kumbersasyong makeshift
Pidgin
Ito ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
Creole
Ito ay ang rehistro ng wika kung saan nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon
Field of Discourse
Ito ay ang rehistro ng wika kung saan nagbabago ang wikang ginagamit depende sa kausap
Tenor of Discourse
Ito ay ang rehistro ng wika na umaayon sa paraang pasalita o pasulat
Mode of Discourse
Ito ang kahulugan ng salitang Kapital kung ito ay tumutukoy sa Heograpiya
Pangunahing bayan ng isang bansa
Ito ay isang proseso ng pag-unawa at pagbabahagi ng kaalaman
Komunikasyon
Ito ay tumutukoy sa mga tao o pangkat na pinagmulan ng mensahe
Nagpapadala o Sender
Ito ay ang ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap o kabilang panig
Mesahe
Ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe
Daluyan o Tsanel
Ito ay isang uri ng daluyan ng mensahe na kung saan ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan sa pakikipagkomunikasyon
Sensori
Ito ay isang uri ng daluyan ng mensahe na tumutukoy sa makabagong teknolohiyang ginagamit ng tao bilang daan sa pag-unlad ng panahon sa pakikipagkomunikasyon
Institusyonal
Siya o sila ang tumatanggap at nagdedecode ng mensahe mula sa kausap at nakadepende sa kanyang pag-unawa ang maibibigay niyang kahulugan sa mensaheng natanggap
Tagatanggap o Decoder
Dito nakasalalay kung naging mabisa ang pagpapadala ng mensahe sa kausap at ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon
Tugon o Fidbak
Ang tugonn o fidbak ay _________ kung mensaheng ipapadala ay nangangailangan pa ng oras at panahon
Naantala
Ang tugon o fidbak ay _________ kung ito ay mensaheng agad-agad na natanggap ng kausap
Tuwiran
Ang tugon o fidbak ay _________ kung ang mensahe ay natanggap sa pamamagitan ng paggamit ng di-berbal
Di-tuwiran
Ito ay katatagpuan sa salita o pangungusap na kadalasang nakapokus sa denotasyon at konotasyon
Semantikong Sagabal
Ito ay tumutukoy sa pisikal na anyo ng kapaligiran
Pisikal na Sagabal
Ito ay nakatuon sa katawan ng nagpapadala o tumatanggap ng mensahe
Pisyolohikal na Sagabal
Ito ay nakapokus sa pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng kinagawiang kultura na maaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe
Sikolohikal na Sagabal
Ang wika ay _________ kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa tagatanggap nito
Impormatib
Ang wika ay _________ kung nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon
Ekspresib
Ang wika ay _________ kung hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang tao upang isagawa ang isang bagay
Direktib
Ang wika ay _________ kung ang gamit ng wika ay higit pa sa pansalitang anyo ng komunikasyon at kinakapalooban ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag
Perpormatib
Ito ang gamit ng wika kapag nagagawa nitong manghikayat ng tao tungo sa isang paniniwala
Persweysib
_________ ang tungkulin ng wika kung nagagawa nitong manghikayat ng tao tungo sa isang paniniwala
Instrumental
_________ ang tungkulin ng wika kung nagagawa nito na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid
Regulatori
_________ ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito upang makipagkomyunikeyt, makipagbahagi ng mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagpadala makatanggap ng mensahe sa iba
Representasyonal
Nagiging _________ ang tungkulin ng wika kapag ito ay nagagawang mapanatili o mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa katulad ng pang araw-araw na pagbati at pagbibiruan
Interaksyunal
_________ ang tungkulin ng wika kung nagagawa nitong maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaan
Personal
_________ ang tungkulin ng wika kung nahahayaan nito ang isa tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa kanya upang siya ang maging artistic
Imahinatibo
Nagiging _________ ang tungkulin ng wika kung tumutulong ang wika upang makapagtamo ang tao ng iba’t-iba kaalaman at natutuklasan ang mga bagay-bagay sa paligid
Heuristic
Ito ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari at ito ang pinakamahalagang kaisipan sa anumang teksto
Sintesis o Buod
Ito ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa magtatanghal o sinumang magiging panaunahin sa isang kaganapan
Bionote
Ito ang opisyal na tala ng isang pagpupulong ng organisasyon
Katitikan
Ito ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor sa isang proyektong kailangang gawin upang malutas ang isang particular na problema sa negosyo o opurtunidad
Panukalang Proyekto
Ito ang tawag sa blueprint ng sarili
Resum’e
Ito ay isang anyong pasulat na maikli na sinusulat upang ipaalam o ipaalala ang isang bagay
Memorandum
Ito ay isang kaisipan o opinion ng isang tao na binibigkas sa enyablado
Talumpati
Ito ay isang sulatin o educational article na naglalayong magpahayag ng isang particular o higit pa na mga tema sa pamamagitan ng mga larawan
Pictorial Essay
Ito ay isang maikling piraso ng pagsusulat na kung minsan ay tinatawag na isang kwento
Sanaysay
Ito ay isang pormal na paraan na sumasailalim sa estruktura ng wika at mga tuntunin upang maipahayag ang mensahe sa anyong pasulat at pasalita
Komunikasyong Berbal
Ito ay uri ng komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang tinataglay na salita
Komunikasyong Di-berbal
Halimbawa ng komunikasyong di-berbal
Ekspresyon ng mukha, kumpas o gestures, at ang kapaligiran
Ito ang tawag sa komunikasyong nagaganap tuwing kakausapin ng isang tao ang kanyang sarili
Intrapersonal
Ito ay isang paraan ng paggamit ng anumang uri ng teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon sa kapwa
Machine Assisted na Komunikasyon
Ito ang nagsisilbing bintana ng ating kaluluwa at pagkatao
Mata
Ito ay isang pangunahing daluyan ng pangmadlang komunikasyon na may integratibong layuning makipag-ugnayan sa tao o pangkat ng mga taong nabibilang sa isang kultura o lipunan
Media
Ito ang pagsulong at paglapat ng mga kagamitan at proseso na tumutulong upang mapadali ang suliranin ng tao
Teknolohiya
Ito ang tawag sa mga software na maaaring iinstall gamit ang selpon sa pamamagitan ng internet
Mobile Apps
Ang magaan na mikropono at speaker na ginagamit upang mapalakas at marinig nang maayos ang tinatalakay ng nagsasalita
Portable Voice Amplifier
Ito ay ginagamit para sa mga pipi at bingi na nakatutulong na makapaglinang ng boses ng isang pipi sa pamamagitan ng vibration na nasasaganap ng teknolohiyang ito mula sa nagsasalita
VV-Talker
Ito ay isang paraan upang mapabilis ang komunikasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook Messenger at Telegram
Edu-Chat
Ito ay pagsusulat o pagbabahagi ng kwento o literature ng isang tao sa makabagong teknolohiya
Blogging
Ito ang tawag sa pagrerecord ng boses o maaaring live na naglalayong maghatid ng mensahe sa pamamagitan ng audio pormat na maaaring madownload at mapakinggan saan mang lugar
Podcasting
Ito ang bahagi ng paglalahad na kung saan kailangang nakakaakit sa kawilihan o interes ng mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa ng isang katha ng tagapagkinig o mambabasa
Simula
Ito ang nagbibigay ng kapaliwanagan o kaalaman sa isang konsepto
Paglalahad o Ekspositori
Ito ang tawag sa pagtala ng mga pangyayaring nagaganap sa ating pang araw-araw na buhay pasulat man o pasalita
Pagsasalaysay o Naratib
Ito ang uri ng diskurso na dapat pinaghahandaan sapagkat nangangailangan ito ng panahon at oras na naglalayong makapanghikayat o mapaniwala ang mga mambabasa at tagapagpakinig sa kanyang sariling paniniwala o paninindigan
Pangangatwiran o Argumentatib
Ito ang uri ng diskursko na naglalayong maipakita ang hugis, kayarian, katangian, at kaibahan ng mga bagay at pangyayaring pinahahalagahan ng nagpapahayag
Paglalarawan o Deskriptib
Tinatawag sa uri ng maling pangangatwiran na pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
Argumentum Ad Hominem
Ito ang uri ng maling pangangatwiran kung saan pwersa at awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at maipanalo ang argumento
Argumentum Ad Baculum
Ang pagpapaawa upang kumampi ang nakikinig na gumagamit o pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan na isang uri ng maling pangangatwiran
Argumentum Ad Misecordiam
Mas kilala sa Ingles na “circular reasoning”, ito ay isang uri ng maling pangangatwiran na gumagamit ng mga salita na nagpapaligoy-ligoy
Ignoracio Elenchi
Ibig sabihin sa Ingles ay “it doesn’t follow”, ito ay uri ng maling pangangatwiran kung saan nagbibigay ng konklusyon na walang kaugnayang batayan
Non Sequitir
Siya ang naglalahad ng kung ano ang nakatakdang pagtatalunan at tagapaghudyat ng simula ng pagtatalo ng dalawang panig
Mediator
Ang pinakapormal at maayos na talumpati na maaaring maganap sa anumang pormal na okasyon
Handa o Pinaghahandaan
Ang uri ng talumpati na ibinibigay ang paksa kapag nasa harap na ng madla at ang tanging basehan ay sariling karanasan
Daglian o Impromptu
Ang tawag sa uri ng talampati kung binibigyan ng kaunting panahon ang kalahok upang pag-isipan at paghandaan ang mga sasabihin sa oras ng talumpati
Maluwag
Ito ay tungkol sa pagsulat, pagsasalita, at pagsasagawa ng representasyon sa iba-ibang audience at sa iba’t-ibang layunin
Malayuning Komunikasyon
Ito ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa: facts and figures) at datos (halimbawa: obserbasyon, berbal at di-berbal na teksto, artifact, at fossil) na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad
Batis ng Impormasyon
Ito ay ang mga orihinal na pahayag, obserbasyon, at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal
Primaryang Batis
Ito ay ang pahayag ng interpretasyon,opinyon, at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba, o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno
Sekundaryang Batis
Ang mga ito ay mula sa harapang ugnayan sa kapwa-tao na nabibilang sa primaryang batis
Pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan, panayam o interbyu, pormal, impormal, estrukturado o semi-estrukturadong talakayan, umpukan, at pagbabahay-bahay
Ayon kila Baxter at Babbie (2004), ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon
Interbyu o Panayam
Dito kinakapanayam ang isang tao dahil sa kanyang pagiging awtoridad sa isang bagay
Factual o Opinion Interview
Awtobiograpiya, talaarawan, sulat sa koreo at email, tesis at disertasyon, sarbey, artikulo sa journal, radyo at telebisyon, mga record ng tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulong, kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat at pahayagang pang-organisasyon, orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament, talumpati ng pananalita, at larawan at iba pang biswal na grapiko ay mga halimbawa nito
Primaryong batis na mula sa mga material na naka imprenta na madalas na may kopyang elektroniko
Ilang artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng editorial, kuro-kurong tudling, sulat sa patnugot, tsismis o tsika, encyclopedia, teksbuk, manwal at gabay na aklat, diksyonaryo at Tesoro, kritisismo, komentaryo, sanaysay, sipi mula sa orihinal na hayag o teksto, at sabi-sabi ay ilan sa mga halimbawa nito
Sekondaryang Batis
Ang mga kapuwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis maliban sa…
kung ang nagaganap sa kanila ay nakuha lang din sa sinabi ng iba pang tao
Ito ay isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing interbensiyon, sa dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon
Eksperimento
Ayon kay Baxter at Babbie (2004), ito ay ginagamit sa mga deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng malalaking populasyon para sukatin ang kaalaman, persepsiyon, disposisyon, nararamdaman, kilos, gawain, at katangian ng mga tao
Survey
Ang tanging kapanayam o isang mamamahayang ang nagtatanong lamang ang kasama ng kinakapanayam
Ekslusib Interbyu
Ito ay isang semi-estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy, na kadalasa’y ginagampanan ng mananaliksik, at anim hanggang sampung kalahok
Focus Group Discussion (FGD)
Ito ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o pangungusap
Sintaks
Ito ay ang pag-aaral sa espesipikong tinig at mga kombinasyon nito na bumubuo sa mga salita ng isang wika
Panolohiya o Palatunugan
Ito ay ang pagbabagong morponemiko na tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pag-impluwensya ng mga katabing tunog
Asimilasyon
Ito ang uri ng pagbabagong morponemiko na nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng mga ponema
Metatesis
Ito ay ang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng tulad ng, kagaya ng, kagaya ng, parang, at iba pa
Pagtutulad
Ito ang uri ng pagbabagong morponemiko kung saan nawawala o tinatanggal ang isang ponema o morpema na maaaring nasa unahan o gitna ng salita
Pagkakaltas
Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang maging mabisa, matalinghaga, makulay, at kaakit-akit ang pagpapahayag
Tayutay
Ito ay isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng tulad ng, kagaya ng, parang, animo, at iba pa
Pagwawangis
Ito ay ang paggamit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan
Paglilipat-saklaw
Ito ang tawag sa awiting bayan na paghehele ng bata
Oyayi
Ito ay isang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita
Pagbasa
Ang pagbasa ayon kay Goodman
Psycholinguistic guessing game
Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa
Persepsyon
Ito ang pagproproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinapahayag ng simbolong nakalimbag na binasa
Komprehensyon
Napatunayan ng mga dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto
Teoryang Top-Down