Larang Flashcards
Katangian At Kalikasan Ng _____Ng Pagkain ang mahusay na pagkakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito ba ay pampagana, sabaw, kanin. panghimagas, ulam na gawa sa karne. isda gulay o kung ito’y mga inumin, Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot- kaya para sa kanila
MENU
Nakatuon ang _______________ sa mga transaksyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat, Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
LIHAM PANGNEGOSYO
Kalimitang ipinamumudmod ito upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung sinomang makababasa ng mga ito.
FLYERS
Naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
MANWAL
Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay- katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong paglalarawan sa pabalat. sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito. Tiyak. wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon sa isang produkto
DESKRIPSYON NG PRODUKTO
Ito ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto par sa isang negosyo kinakailangan ang paglalarawan sa mga produkto upang maging kaakit- akit at maibenta ito sa mga target ng awdiyens o mamimili.
DOKUMENTASYON NG PRODUKTO
Ang ______________ ay kailangan sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at wakas,
NARATIBONG ULAT
Ang _________ ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas no masaktan ang tagapangasiwa (operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang ______ sa anumang maaaring makasakit a makapahamak sa mambabasa
BABALA
Sinusulat ang ________ upang makapagbigay at makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsulat ______ , ipinapaalam ng isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na tao o sektor no maapektuhan ng anunsiyang kaugnay sa trabaho
ANUNSIYO
Ang _________ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon, Hindi ginagamit ang _______ upang magbigay ng impormasyong kaugnay sa kaligtasan ng mga tagapagsagawa a sa pagkasira ng kagamitan,
Paalala
Bahaging nagsasaad ng impormasyon tungkol sa nagpapadala ng liham Makikita rito ang pangalan ng organisasyon, kompanya, Institusyon o tanggapan, lokasyon, numero ng telepono, at logo.
Ulong sulat/letterhead
Kung mula sa isang indibidwal ang liham, makikita naman sa bahaging ito ang lugar o lokasyon ng taong nagpapadala
Pamuhatan
Bahaging nagsasaad kung kailan ginawa at ipinadala ang sulat
Petsa
Bahaging nagsasaad kung kanino ipapadala ang liham, ang kaniyang posisyon o katungkulan, at lugar kung saan ipapadala Tandaan. Kung ang nagpapadala ng liham ay mula sa isang organisasyon. kompanya, institusyon o tanggapan, kadalasan nasa gitna ang ulong sulat o letter head Makikita rito ang pangalan ng organisasyon, kompanya, institusyon o tanggapan, lokasyon, numero ng telepono, at logo
Patunguhan
Bahaging nagsasaad ng pangalan ng sinusulatan na may kaakibat na pagbibigay galang
Bating Panimula/Pambungad