KPWKP Flashcards
Sa bahaging ito nagbibigay ng pahapyaw na impormasyon ang mga mananaliksik. maaaring talakayin ang kaligiran ng pananaliksik, kahalagahan ng suliranin, at mga katanungang kailangan bigyang pansin sa gagawing pananaliksik.
panimula
to ay maikling pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paksain ng pananaliksik.
rationale (batayang prinsipyo)
ito ay tumutukoy sa tunguhin o obhektibo sa pananaliksik
layunin
ang layuning ipapahayag ay kailangan tumugon sa mga sumusunod na katanungan: 1. anu-ano ang mga obhektibo ng aking pananaliksik 2. ano ang inaasahang kong matuklasan o matutuhan sa pagsasagawang pananaliksik na ito.
mga katanungan
ito ang bahagi ng pananaliksik na tumutugon sa katanungan , “Ano ang ginawa ng ibang mananaliksik hinggil sa paksa. Ang bahaging ito ay kailangan maglaman ng mga sumusunod na impormasyon tungkol sa paksa na pinag-aaralan at kung bakit ito laganap, seryoso at mahalaga.
kaligirang pangkasaysayan
sa bahaging ito ng pananaliksik tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t ibang manunulat at siyentipiko ukol sa isang partikular na larangan. binibigyang pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilang mga batas, prinsipyo, paglalahat, mga konsepto, pagpapakahulugan at mga teorya na maaaring maiangkop sa ginawang pag-aaral.
balangkas teoretikal
nagpapakita kung ano ang nais patunayan o panubalian ng ginawang pag-aaral. ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di-malayang baryabol ay malinaw na naipapakita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal o paradigma.
balangkas konseptwal
ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbuo ng paglalahad ng suliranin. buhat sa bahaging ito, mag-uugat ang mga kasangay na suliranin upang lalong matiyak na mabibigyan tugon ang suliraning nakaugnay sa paksa ng pananaliksik.
paglalahad ng suliranin
bahagi ng pananaliksik na nakatutok sa pagbibigay prediksyon sa maaaring tugon sa katanungan na nakapaloob sa pananaliksik.
haypoteses
tumutukoy sa kontribusyon ng pananaliksik sa bansa, pambansang polisiya, nangingibabaw na katotohanan, rehiyunal, tunguhin pangkomunidad at pamantasan.
kahalagahan ng pagaaral
Nagtataglay ng dalawang talata. ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-aarala habang ang ikalawa ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik. tinatalakay sa bahaging ito ang maaaring saklawin ng pag-aaral.
Saklaw at limitasyon
Binibigyang tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang may malalalim at malawak na konteksto.
Katuturan ng mga salitang ginamit
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.
disenyo at metodo ng pananaliksik
Paglarawan sa ginamit na metodo at disenyo ng panaliksik ang ginamit sa pag-aaral.
uri ng pananaliksik
Pagkakakilanlan ng mga taga-tugon na kinuhaan ng mga datos: Edad sa unang panganganak. Antas ng Edukasyon. Marital status.
mga taga tugon