Komunikasyon Flashcards
simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo, o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaaring pasulat o pasalita
Wika
“Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo
WEBSTER
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao
ARCHIBALD HILL
Ang wika ay kalipunan ng kaisipan ng lipunang lumikha dito
WHITEHEAD
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura
HENRY GLEASON
pinakamaliit na unit ng makahulugang tunog
Ponema
pagsasama ng tunog upang makalikha ng salita
Morpema
pag-uugnay ng mga salita upang makabuo ng pangungusap
Semantika
tawag sa maka-agham na pag-aaral sa mga pangungusap
Sintaksis
konsistent at sistematiko
Ang wika ay isang sistema
ang mga tunog ay nagagawa sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita
Ang wika ay binubuo ng mga tunog
ang mga nabuong salita at mga kahulugan ay pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isang kultura
Ang wika ay arbitraryo
ang bawat wika ay may kani kaniyang set ng palatunugan, leksikal, gramatikal na istruktura na ikinikaiba sa ibang wika
Arbitraryo
ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangan patuloy itong ginagamit
Ang wika ay ginagamit
dahil sa pagkakaiba iba ng kultura ng mga bansa at mga pangkat, ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon sa isang wika
Ang wika ay nakabatay sa kultura
Dinamiko ang wika
Ang wika ay nagbabago
Tagalog, Sinugbuang Bisaya, Ilokano.
Wika
Varayti ng isang wika. Ang mga nagsasalita ng wika, batay sa lugar na pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa pagbigkas, paglalapi, o ayos ng pangungusap
Diyalekto
wikang katutubo sa isang pook. Wikang panrehiyon
Bernakular
tumutukoy sa dalawang wika.
Bilingguwalismo
dalawa o higit pang wika. ang pinaiiral ng patakarang edukasyon.
Multilingguwalismo
wikang sinuso sa ina
unang wika
tawag sa iba pang wikang natutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kanyang wika
Pangalawang wika
Filipino ang ____ ng Pilipinas.
Wikang Pambansa