G10 Yunit 18 Aralin 4 Kahalagahan ng Kooperasyon ng mga Mamamayan at Pamahalaan sa Paglutas ng mga Suliraning Panlipunan Flashcards
ang proseso ng sama-samang paggawa hanggang maisakatuparan ang isang layunin
kooperasyon
ay tumutukoy sa lahat ng tao na naninirahan sa isang tiyak na komunidad, bansa, o estado
mamamayan
ang kapangyarihang naglalatag ng mga alituntunin para sa lipunan, at nagpapanatili na ito ay maging ligtas at payapa
pamahalaan
Kahalagahan ng Kooperasyon ng mga Mamamayan at Pamahalaan
Nagkakaroon ng mas maraming ideya ukol sa pagsasagawa ng mga proyekto o
tunguhin
Nagiging tuloy-tuloy o sustainable ang mga batas at proyekto
Nagkakaroon ng check and balance
Ang mga tunguhin ng pamahalaan ay maaaring maisakatuparan sa iba’t ibang paraan.
Nagkakaroon ng mas maraming ideya ukol sa pagsasagawa ng mga proyekto o
tunguhin
Kung hindi bukal sa loob at napipilitan lamang ang mga kalahok sa pagganap ng
tungkulin, hindi nagtutuloy-tuloy ang mga proyekto
Nagiging tuloy-tuloy o sustainable ang mga batas at proyekto
Malaking usapin ang katiwalian sa pamahalaan.
Nagkakaroon ng check and balance
Kooperasyon sa Pagpapalaganap ng Karapatang Pantao at Gender Equality
Kooperasyon sa Pagpapatupad ng mga Batas at Pagsugpo ng mga Krimen lalo na sa Kababaihan at Kabataan
Pag-aalaga at Rehabilitasyon ng mga Biktima ng Karahasan at Pang-aabuso
Ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa karapatang pantao at gender equality ay
maaaring pagtuwangan ng mga mamamayan at pamahalaan. Sa antas ng barangay,
maaaring magkaroon ng mga seminar at awareness campaign. Sa mas matataas na antas,
maaaring makatulong ang media networks sa pagpapalaganap ng mga karapatang pantao
at pagsugpo ng pang-aabuso sa kakabaihan at kabataan. Dito, puwedeng magkatuwang
ang ahensiya ng pamahalaan at business community. Malaki rin ang papel ng mga NGO
at human rights activists
Kooperasyon sa Pagpapalaganap ng Karapatang Pantao at Gender Equality
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga ordinansa at pagpapalakas ng pulisya sa barangay
laban sa krimen lalo na kung may kinalaman sa pang-aabuso sa mga babae at bata. Ang
isang halimbawa nito ay ang DSWD Barangay Council for the Protection of Children. Kaugnay
nito, kailangang may women and children’s desk sa bawat istasyon ng pulisya, na may
nakatalagang babaeng pulis, babaeng abogado mula sa Public Attorney’s Office, at
kinatawan ng DSWD.
Kooperasyon sa Pagpapatupad ng mga Batas at Pagsugpo ng mga
Krimen lalo na sa Kababaihan at Kabataan
Malaki ang papel ng mga NGO, iba pang pribadong samahan, at grupong panrelihiyon sa
pagsagip, rehabilitasyon, at muling integrasyon ng mga biktima ng domestic violence,
prostitusyon, human trafficking, at child abuse. Bagaman may rehabilitation centers ang
pamahalaan, hindi ito sapat. Malaki ang tulong ng mga programang tumutulong sa lahat
ng uri ng biktima gaya ng pagbibigay sa kanila ng tamang paggabay at pagpapayo,
matutuluyan, pagsasanay, at edukasyon, na kadalasan ay pinatatakbo ng mga NGO.
Pag-aalaga at Rehabilitasyon ng mga Biktima ng Karahasan at
Pang-aabuso