G10 Tugon ng Pamahalaang Pilpinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon Flashcards
Mga batas na magbibigay Proteksyon sa kababaihan at kabataan
Anti-Violence against Women and Their Children Act
Magna Carta for Women
Ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
Ang “_” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa
isang karelasyon.
(Anti-Violence Against Women and Their Children Act)
kababaihan
Ang “_ _” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso,
mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o
hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na
wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin
ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng
kaniyang pangangalaga.
(Anti-Violence Against Women and Their Children Act)
mga anak
Posibleng makasuhan ng batas
(Anti-Violence Against Women and Their Children
Act)
kasalukuyan at dating asawang lalaki kasalukuyan at dating kasintahan live-in partners na lalaki lalaking nagkaroon ng anak sa babae, lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae
Posibleng ikaso ng mga kababaihan
“Physical Violence”
“Sexual violence”
“Psychological violence”
“Economic abuse”
ay tumutukoy sa mga kilos na kinabibilangan ng pinsala sa katawan o pisikal.
“Physical Violence”
ay tumutukoy sa isang gawaing sekswal, na
ginawa laban sa isang babae o sa kanyang anak
“Sexual violence”
ay tumutukoy sa mga gawa o pagtanggal
na nagdudulot o malamang na magdulot ng mental o emosyonal na
pagdurusa ng biktima tulad ng ngunit hindi limitado sa pananakot,
panliligalig, paniniktik, pinsala sa ari-arian, pampublikong
pangungutya o kahihiyan, paulit-ulit na pag-abuso sa salita at
pagtataksil ng mag-asawa
“Psychological violence”
ay tumutukoy sa mga kilos na gumagawa o
nagtatangkang gawing umaasa sa pananalapi ang isang babae na
kinabibilangan ng, Pag-alis ng suportang pinansyal o pagpigil sa
biktima mula sa anumang lehitimong propesyon, trabaho, negosyo o
aktibidad
“Economic abuse”
ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay
alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang
Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Magna Carta for Women
CEDAW
Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang
pangunahing tagapagpatupad (“_ _ _”) `ng
komprehensibong batas na ito. Ginawa na tuwirang responsibilidad
ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
primary duty bearer
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
Lahat ng babaeng Pilipino
mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Kabilang ditto ang mga kababaihang manggagawa, maralitang agalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Marginalized Women