G10 Yunit 18 Aralin 1 Mga Katangian ng Aktibong Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko Flashcards
ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa. Nakatuon ito sa mga makabuluhang gawain, upang makamit ang ikabubuti ng nakararami.
gawaing pansibiko
pakikilahok ng mga mamamayan sa kani-kanilang lokal na pamayanan, upang makapag-ambag sa pagtatatag at pagpapanatili ng demokratikong lipunan
aktibong pagkamamamayan
Katangian ng mga Aktibong Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko
May kakayahan at kapangyarihan
Patas at makatarungan
Pagiging ingklusibo o kabilang sa pangkat
Nauunawaan ng mga aktibong mamamayan na ang mga karapatan ay dapat may kaakibat na mga responsibilidad at hindi nangingimi o nahihiya na ipahayag ang mga ito.
May kakayahan at kapangyarihan
Hindi sapat na alam lang ng mga mamamayan ang estruktura o balangkas at mga proseso sa pamahalaan, kung hindi dapat ay may alam din sila kung paano ipinoproseso ang mga gawain.
Patas at makatarungan
Isinasabuhay ng mga aktibong mamamayan ang mga pagpapahalagang konstitusyunal, kagaya ng pagkakapantay-pantay, dignidad, at kalayaan.
Pagiging ingklusibo o kabilang sa pangkat
•May malakas na pag-ako sa sariling kultura at pagkakakilanlan • Mulat sa mga isyu at gawaing panlipunan ng bansa • May mga kasanayan sa pagpaplano, pamumuno, at pangangasiwa • May responsibilidad tungo sa kayang tustusan na pag-unlad • May pagpapahalaga at epektibong gumagawa tungo sa inaadhika • Marunong magbalanse ng mga karapatan at tungkulin, pati ng oras • May pakialam, nakaiimpluwensiya, at nakahihikayat ng kapwa • Aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko