G10 Yunit 17 Aralin 1 Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas Flashcards

1
Q

ay tumutukoy sa lahat ng salik na bumubuo sa pormal na pag-aaral sa isang bansa o lugar.

A

sistemang pang-edukasyon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Kaakibat nito ang mga alituntunin, kurikulum, pondo, programa, mga guro, at silid-aralan.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng maayos na sistema ng edukasyon sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at sekundarya, kasama ang Alternative Learning System at Distance Learning System. Alinsunod sa mga adhikain nito ay ang mapanatili ang pagiging Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan, at Makabansa ng bawat Pilipino.

A

Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education

DepED

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

ay itinatag noong 1994 bilang bahagi ng malawakang reporma sa sistema ng edukasyon. Ito ang tuwirang namamahala sa mga pangkolehiyo at graduwadong sistema ng edukasyon sa bansa.

A

Ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o Commission on Higher Education (CHED)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Bago pa man dumating ang mga
Espanyol sa bansa, pinaniniwalaan
na ang mga katutubong Pilipino ay
may di-pormal na sistema ng
Edukasyon, kung saan may
naitaguyod na sistema ng pagsusulat at pagbabasa. Mas binigyan ng pansin ang
mga pisikal na pagsasanay at paggawa sa bahay sa panahong ito.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Sa pagdating ng mga Espanyol, ang mga misyonaryo at prayle ang nagsilbing mga guro,
kung saan binigyang pansin nito ang pag-aaral ng relihiyon at pagpapatibay ng
pananampalataya. Ang pagtuturo ng wikang Espanyol ay limitado lamang sa may matataas
na antas ng kabuhayan.

Noong 1863, makalipas ang higit tatlong siglo ng pananakop ay ipinatupad naman ang
pagtatayo ng mga paaralan para sa lalaki at babae sa bawat munisipalidad, ngunit
kinakitaan pa rin ito ng hindi pantay na pagtingin sa mga indio kumpara sa mga
peninsulares at insulares. Gayunpaman, sa panahong ito ay nabigyan na ng pagkakataon
ang mayayamang Pilipino na makapag-aral sa Europa. Ang ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal ay isa lamang sa ilang tanyag na ilustrado na nabigyan ng pagkakataong ito.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ayon sa mungkahi ng Komisyong Schurman, nagtatag ang pamunuang Amerikano ng
libreng pampublikong paaralan, kung saan pangunahing itinuro ang kaalaman at
gampaning pansibiko. Ingles ang naging pangunahing wika ng pagtuturo. Dumating ang
Thomasites na nagsilbing mga guro. Isinunod na rin ang pagtatayo ng Pamantasang
Normal na nagbukas ng kursong edukasyon sa mga Pilipino.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ipinatupad ng mga Hapones ang paggamit ng Tagalog bilang paraan ng pagtuturo at
Nihonggo bilang pangalawang lengguwahe. Binigyang diin sa panahong ito ang
pagkatutong bokasyunal o teknikal at pag-aaral ng kasaysayan.

A
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly