G10 Yunit 18 Aralin 2 Iba't ibang gawaing pansibiko sa Pamayanan Flashcards
uri ng gawaing Pansibiko
Panlipunan Panrelihiyon Pangkalusugan Pangkalikasan Pang-edukasyon Pampalakasan Pampulitika
pakikipagtulungan sa iba sa paglutas ng mga suliranin sa komunidad, pagdalo sa mga pagpupulong, at pagbibigay serbisyo sa nangangailangan
Panlipunan
pagtuwang sa mga gawain ng simbahang kinabibilangan mula sa paglilinis at pag-aayos ng lugar sambahan hanggang sa pagsama sa mga gawaing nakatutulong sa mga taong kapus-palad kagaya ng pagbibigay ng donasyon
panrelihiyon
Nagsasagawa ng mga misyong medikal ang mga doktor, nars, dentista, at mga katulad nila sa mahihirap na pamayanan. Nakatutulong sila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot
Pangkalusugan
Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami ng mga malapit nang maubos at nanganganib na uri ng mga halaman at hayop, at iba pa.
Pangkalikasan
May mga nagkukusang tumulong at nakikibahagi sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng pre-school, gaya ng pagbabasa ng mga kuwento. Ang mga Donate-a-Book, Fundraising Walks
Pang-edukasyon
umarami ang nagsasagawa ng Run-for-a-Cause, pag-eehersisyo nang sabay-sabay sa mga pampublikong parke, at mga katulad nito.
Pampalakasan
Ang pakikilahok sa halalan ay isang paraan ng gawaing pansibiko. Sa pamamagitan nito, naririnig ang mga saloobin ng mga mamamayan ukol sa pamahalaan at lipunan
Pampulitika
Hindi lahat ng mamamayan ay interesadong makilahok sa mga gawaing pansibiko. Nakaaapekto ang kawalan ng interes sa mga gawaing ito, dahil hindi nabibigyan ng tamang solusyon ang mga pangangailangan ng mga pangkaraniwang mamamayan. Sa kasalukuyan, napakalaki ng tulong ng Internet sa paghihikayat ng mga mamamayan upang makibahagi sa mga gawaing pansibiko.
Panghihikayat upang Makilahok sa mga Gawaing Pansibiko