Filipino; Chapter 4 (Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat) Flashcards
Pagpapahayag ng opinyon
Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto, ito man ay pabor sa atin o hindi.
Ito ang pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya
Pagsang-ayon
Ito ang pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya
Pagsalungat
Ito ang mga hudyat na ginagamit sa pagpapahayag ng pagsang-ayon
gayon nga, kaisa mo ako, iyan ay nararapat, sang-ayon ako, tama, pareho tayo ng inissip, oo, tunay, tumpak, at talaga
Ito ang mga hudyat na ginagamit sa pagpapahayag ng pagsalungat
Maling-mali, tutol ako, hindi ako sang-ayon, sumasalungat ako, mabuti sana ngunit, ikinalulungkot ko, ayaw, hindi, ngunit, at subalit
Alamin Natin!
Laging tandaan na ang opinyon ng tao ay batay sa kanilang mga karanasan at pananaw, kaya’t ito’y maaaring magkaiba sa iba. Ang pagsang-ayon ay hindi lamang isang simpleng pagkakaisa; ito ay isang pagpapakita ng pag-unawa at respeto sa pananaw ng iba. Sa kabilang banda, ang pagsalungat ay hindi nangangahulugang hindi mo naiintindihan; ito ay isang pagkakataon na magbigay ng bagong pananaw.