AP; Chapter 1 (Kabihasnang Gresya) Flashcards
Ating Alamin!
Mga dagat sa Gresya
Dagat Aegean - Silangan
Dagat Ionian - Kanluran
Mediterranean - Timog
Nakarting ng crete ang kanyang tugatog 1600-1100 BCE
Umunlad ang kabuhayan dahil sa pakikipagkalakalan.
Kabihasnang Minoan
Ito ang pinakamalaking bayan o lunsod sa kabihasnang Minoan
Knossos
-Ang mga lungsod dito ay pinagugnay-ugnay ng maayos na daanan at tulay.
-Napapaligiran ng makapal na pader ang lunsod upang mapigilan ang mga manlulusob.
Kabihasnang Mycenaean
Sa kuwentong ito nagmula ang pangalan ng Kabihasnang Minoan
Kuwento ni Haring Minos
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenean. Sila ang mga _______.
Dorians
Isang pangkat ng tao na may kaugnayan sa mga Mycenean ang tumungo sa timog ng Greece malapit sa lupain ng Asia Minor at nagtatag ng kanilang pamayanan. Sila ay tinawag na mga _______.
Ionians
Ito ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Gresya
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Ito ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Helleniko
Polis
Ito ay nangangahulugang “bayan” o “lungsod” sa wikang Griyego
Polis
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng polis
Acropolis
Ito ay kadalasang matatagpuan sa masmataas na bahagi ng polis
Acropolis
Sa acropolis matatagpuan ang _______ __ ________ ______ at ang _______________ ______
Tahanan ng kanilang pinuno, pinakamahalagang templo
Ang mga _____ ay mayroon ding sari-sariling hukbo, sistema ng pagbubuwis, at pantalan para sa panlabas na kalakalan
Polis
Ang mga ito ay naging sentro ng politika, relihiyon, at kultura
Polis
Dito matatagpuan ang mga teatro, silid-aklatan, gymnasium o lugar pampalakasan, at agora kung saan nagtitipon ang mga Griyego
Polis
Dito nagsimulang mangaral ang mga tanyag na pilosopong Griyego na naging hudyat ng pagsibol ng pilosopiya sa Gresya
Polis
Ating Alamin!
Ang pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean at ang pagkatatag ng mga bagong lungsod ay nagbigay-daan sa pagyabong ng mga lungsod-estado
Sa loob nito makikita ang marangyang pamumuhay ng mga kinikilalang mamamayang Griyego
Polis
-Ito ang panahon kung saan yumabong ang pagtatatag ng mga lungsod-estado
-Hango ito sa pangalang hellas
Kabihasnang Helleniko
Samantala, ang mga naninirahan sa labas ng _____ ay hindi kinikilala bilang mga puro o buong Griyego batay sa kanilang pamantayan
Polis
Ito ang dalawang digmaan na naganap sa Gresya
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano), at Peloponnesian War
Isa itong mahabang digmaan sa pagitan ng mga polis ng Gresya at ng Imperyong Persiyano
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Naganap ang digmaang ito mula 490 hanggang 479 BCE
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Isa sa mga itinuturong dahilan ng digmaang ito ay ang pagpapalawak ng teritoryo ng Persia
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Sa panahon ni Cyrus the Great noong 539 BCE ay nagsimulang lumaki ang teritoryong Persiyano, hanggat sa umabot ang kanilang impluwensiya sa Anatolia, kung saan nakatira ang mga Griyegong Ionian
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Dahil tutol ang mga Ionian sa pagsakop sa kanila, lumaban sila sa tinaguniang Rebelyong Ionian noong 499-493 BCE
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Humingi ang mga Ionian ng tulong mula sa Athens, na napag-alaman ni Darius the Great, na ikinagalit niya at naging hudyat sa Digmaang ito
Graeco-Persian War (Digmaang Griyego-Persiyano)
Naganap ang digmaang ito sa pagitan ng Athens at Sparta mula noong 431 BCE hanggang 405 BCE
Peloponnesian War
Nagsimula ang digmaang ito nang tangkaing sakupin ng Athens ang Polis ng Corinth na kaalyado ng Sparta
Peloponnesian War
Dahil dito, dahan-dahang sinakop ng Sparta ang mga polis na kakampi ng Athens
Peloponnesian War
Ang unang yugto ng digmaang ito ay nagtagal ng sampung taon at natapos sa isang kasunduang pangkapayapaan na tinawag na Kasunduan sa Nicias, na kung saan babantayan ng dalawan polis and isa’t-isa ng limang taon
Peloponnesian War
Ito ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Athens at Sparta.
Kasunduan sa Nicias
Makalipas ng limang taon, ay nagsimula ulit ang digmaan, at nagresulta ito sa isang labanan sa dagat kung saan natalo ang Athens
Peloponnesian War
Ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng gintuang panahon ng Gresya at kalaunan, and pagbagsak nito
Peloponnesian War
Ito ang panahon ng tinatawag na Greek Dark Age
1100-800 BCE
Ito ang pagtigil sa paglago ng kultura at sining ng Gresya
Greek Dark Age