FILIPINO Flashcards
Ano ang pagsulat?
isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Layunin ng pagsulat
Maipabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalam, at mga karanasan ng taong sumulat
Akademikong Filipino (2 uri)
- Personal o Ekspresibo
- Panlipunan o Sosyal
Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
Personal o Ekspresibong Pagsulat
Ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan
Panlipunan o Sosyal
Impormatibo (paraan ng pag sulat)
Magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mambabasa.
Ekspresibo (paraan ng pag sulat)
Naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.
Naratibo (paraan ng pag sulat)
magkwento o magsalaysay ng pangyayari.
Deskriptibo (paraan ng pag sulat)
maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig, naranasan at iba pa.
Argumentatibo (paraan ng pag sulat)
Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Kasanayan Sa paghabi ng buong sulatin
Kakayahang maglatag ng mga impormasyon.
Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
Sapat na kaalaman sa wika at retorika.
(titik, bantas, pangungusap, talata at iba pa)
Akademik (uri ng pag sulat)
Isang intelekttwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan
Teknikal (uri ng pag sulat)
Uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o kommersyal na layunin
Journalistik (uri ng pag sulat)
Saklaw nito an pasulat ng balita, editoryal, kolum anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayag o magasin
Referensyal (uri ng pag sulat)
Naglalayong magrekomenda ng iba
pang sanggunian hinggil sa isang paksa
Profesyonal (uri ng pag sulat)
Nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon
Malikhain (uri ng pag sulat)
Fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
Abstrak (uri ng paglalagom)
Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat
Layunin ng abstrak
mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel
elemento ng abstrak (5)
introduksyon, kaugnay na literature, meodolohiya, resulta at kongklusyon
Sinopsis (buod) (uri ng paglalagom)
kalimitang ginagamit sa akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabola, at iba pang anyo ng panitikan.
Layunin ng sinopsis
maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
Bionote (uri ng paglalagom)
ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.