cor 004 Flashcards
iba’t ibang sangay ng tekstong Informativ
tekstong Informativ
naglalahad ng bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at bagong impormasyon.
INFORMATIV
isang maikling sulating naglalaman ng mga may tiyak na direksyon at maaring isulat sa paraang promal at impormal
SANAYSAY
nagpapaliwanag kung paano maisasagawa ang simpleng trabaho o bagay sa pamamagitan ng mga hakbang
PROSESO
isang maingat na komentaryo sa isang akdang nabasa, napanood, o napakinggan
SURIMBA O REBYU
naglalaman din ito ng opinyon na katapat ng paliwanag na nakabase sa akda
SURIMBA O REBYU
nagbibigay ng laya sa manunulat na gamitin ang unang panauhan ng panghalip
EDITORYAL
pinapahayag dito ang malinaw ngunit hindi maligoy ang mga detalyeng nagpapatunay na mas wasto ang kaniyang paniniwala ngunit ito’y nakaangkala sa katotohanan
EDITORYAL
ito ay tekstong nagbibigay ng detalyafong paliwanag tungkol sa mga bagay na kagaganap lamang
BALITA O ULAT
naglalaman ng 5W’s na siyang pinaka esensiyal sa pagbabalita: What, When, Where, Who, at Why
BALITA O ULAT
uri ng sanaysay
PORMAL AT DI-PORMAL
ito ang uri ng sanaysay na may layuning magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungi sa pangaunlarang-isip at moral ng mga mambabasa
PORMAL NA SANAYSAY
karaniwang nagsisimula ang sanaysay sa isang pagpapakilala, kung saan isinasaad ng manunulat kung ano ang kanilang pag-uusapan at talata
PORMAL
ito ay karaniwang nakikita bilang mas personal at karaniwan itong nailalarawan sa pamamagitan ng personal na damdamin na hindi lohikal na naayos
DI PORMAL
karaniwan silang nakikita bilang pang araw-araw na kaisipan at opinyon ng manunulat
DI PORMAL
bahagi ng sanaysay
•PANIMULA
•GITNA/KATAWAN
•WAKAS
mga bahagi ng surimba
PANIMULA
PAGSUSURING PANGNILALAMAN
PAGSUSURING PANGKAISIPAN
BUOD
TEKSTONG DESKRIPTIV
ang bahagi kung saan makikita ang tema o paksa ng akda
PAGSUSURING PANGNILALAMAN
naglalaman ng uri ng panitikang ginamit sa akda
PANIMULA
napapaloob ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda
PAGSUSURING PANGKAISIPAN
ang huling bahagi kung saan idinidiin ang mahalagang punto
BUOD
nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, o bagay gamit ang limang pandama
TEKSTONG DESKRIPTIV
ipinamalas dito ang pagbuo ng detalye upang luminaw ang isang tiyak na impresyon o kakintalan o pangunahing larawan
TEKSTONG DESKRIPTIV
uri ng tekstong deskriptiv
KARANIWAN
MALIKHAIN O MAISINING
naglalayon itong mainigay ang karaniwang ayos at anyo ng inilalarawan ayon sa limang pandama, panlasa, pandinig, paningin, panalat, at pang-amoy
KARANIWAN
ito ay naglalayong mapagalaw ang gunihuni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama, damdamin at isipan ng naglalarawan
MALIKHAIN O MASINING
Paraan ng paglalarawan
BATAY SA PANDAMA
BATAY SA NARARAMDAMAN
BATAY SA OBSERBASYON
kung ito nakikita, naamoy, nalalasahan, nahahawakan o naririnig
BATAY SA PANDAMA
ito ay naglalaman ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan
BATAY SA NARARAMDAMAN
masasabing ito ay batay sa obserbasyon ng mga nagyayari
BATAY SA OBSERBASYON
ano ang pagkakapareho ng tekstong informativ at tekstong deskriptiv?
PAREHONG NAGBIBIGAY NG IMPORMASYON SA PANGUNAHING IDEYA
naglalayong makapangumbinsi o manghikayat sa tagapakinig, manonood o mababasa. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikahat ang madla
TEKSTONG PERSWEYSIB
ang tono ng tekstong ito ay ____ kung saan nakabatay ang manunulat sa kaniyang ideya
SOBHETIBO
tatlong elemento ng panghihikayat
ETHOS
PATHOS
LOGOS
paggamit ng kredibilidad o imahe para makapang hikayat
ETHOS
paggamit ng emosyon ng mababasa
PATHOS
paggamit ng lohika at impormasyon
LOGOS
mga kailangan isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong persweysib
TONO
DAMDAMIN
PANANAW
mga propaganda na ginagamit sa tekstong persweysib o panghihikayat
NAME CALLING
GLITTERING GENERALITIES
TRANSFER
TESTIMONIAL
BANDWAGON
TEKSTONG NARATIV
Ito ay pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.
Name Calling
Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaaga ng mambabasa.
Glittering Generalities
-Ito ay paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Transfer
-Ito ay naisasakatuparan kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto sa pamamagitan ng mga ebidensya at sariling testimonya.
Testimonial
Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat o makisabay sa kung ano ang patok dahil lahat ay sumali na.
Bandwagon
-Ito ay isang uri ng teksto na nagsasalaysay o nagkukuwentuhan ng isang karanasan, napakinggan o nabasa o likhang-isip ayon sa pagkasunud-sunod.
Tekstong Narativ
-Ang pamagat ay maikli, orihinal kapanabiknabik at napapanahon.
Mga Katangiang dapat taglayin ng Narativ
Mahalagang paksa o diwa
Mga Katangiang dapat taglayin ng Narativ
Maayos at di-maligoy na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mga Katangiang dapat taglayin ng Narativ
Kaakit-akit na simula.
Mga Katangiang dapat taglayin ng Narativ
-Kasiya-siyang wakas
Mga Katangiang dapat taglayin ng Narativ
-Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa kung dapat bang ipgpatuloy sng pagbabasa ng kwento o hindi.
Simula
-Dito nakikita ang suliranin sa kwento kung sino ang mga bida at kontrabida, at kung sino ang problemang dapat bigyan ng solusyon.
Tungglian
Tauhan laban sa ibang tauhan
Tauhan laban sa sarili
Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
Mga Uri
Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi
KASUKDULAN
-Sa bahaging ito naman bumaba ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas.
KAKALASAN
-Dito naman nakasaad ang panghuling mensahe ng kuwento, lantad man o tago.
WAKAS
Hangarin ng paraang ito na mapatunayan ang isang katwiran, katotohanan, o proposisyon upang makuhang mapaniwala, mahikayat at maimpluwensyahan ang tagapakinig o mambabasa sa paninindigan at pananaw ng nagsasalita o manunulat.
Tekstong Argumetativ
-Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
-Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa iba.
-Makapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao.
Mga Layunin ng Tekstong Argumetativ
Sa pagsulat ng komposisyong Argumentativ, maaaring mangibabaw ang argumentasyon subalit hindi ibig sabihin nito’y ang buong komposisyon ay pawing pangangatwiran lamang, maaaring gamitin ang mga sumusunod na uwi ng teksto
Abad at Ruedas, 2000
upang bigyang linaw ang pangyayaring kaugnay sa paksa.
NARASYON
upang mapatingkad ang puntong ibig patunayan
DESKRIPSYON
upang mapaunawa ang puntong nangangailangan ng paglilinaw.
EKSPOSISYON
Bagamat ginagamit ang lahat ng ito sa komposisyong argumentative, nakatanaw ito sa iisang layunin: ang makaimpluwensiya, mula sa simpleng pangungumbinsi tungo sa pagpapakilos
(Abad at Ruedas, 2000).
Tekstong nagpapakita at naglalahad ng wastog pagkakasuno-sunod ng malinaw sa hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang Gawain. Ang pagsunod sa mga ahkbang na ito ay magbibigay nang maayos na output ng anumang Gawain.
Tekstong Prosidyural
-Nilalahad kung ano ang gagawin at para saan ito.
TUNGUHIN
-Nilalahad ang mga kinakailngang material upang maisakatuparan ang gagawin.
KASANGKAPAN
-Nilalahad ang mga eksaktong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na gagawin.
PAMAMARAAN
-Nilalahad kung paano masusukat ng tagumpay ang isinasagawa.
EBALWASYON
1.Gumagamit ng payak na pananalita at nasa kontemplatibong aspekto ng pandiwa.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
2.Tumutukoy sa pangkalahatang mambabasa o manonood at hindi sa indibidwal na tao.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
3.Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos o pandiwa upang ihayag ang tamang pamamaraan.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
Gumagamit ng mga pang-ugnay na salita upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng bawat hakbang.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
5.Detalyadong tuntunin kung paano, saan at kalian gagawin ang prosidyur.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
6.Detalyadong paglalarawan sa maateryales na maaaring gamitin.
Mga Salitang Ginagamit sa Pagbibigay ng Prosidyur
-Ang kaiagang isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong prosidyural ay ang paggamit ng mga payak na pananalita, tamang pagkakasunid-sunod ng mga ahkbang at gumagamit ng mga pandiwa upang ihayag ang tamang pamamaraan.
Kailangan na isaalang-alang sa pagsulat ng teskstong prosidyural
-Kailangang sundin ang mga katangian nito upang maging maayos at malinaw sa tagapakinig at tagapanood ang mga alyuni na iyong isinasagawang bagay.
Kailnganang sundin ang katangian ng tekstong Prosdyural
sa ingles ay tinatawag itong “draft”
BORADOR
Hindi pa ito pinal at maari pang magpasok ng ga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamamgitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga nakalap na tala.
BORADOR
ay ibinabatay sa panghuling balangkas
BORADOR
Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago ito isulat
BORADOR
Dapat ay mabilis ang pagsulat sa borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samaahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos ang iyong papel ngunit siguraduhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may kredebilidad na impormasyon
BORADOR
Ito ang panimulang bahagi na nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung ano ang suliranin na maaaring isang katanggap-tanggap na kadahilanan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik.
1.Suliraning at Kaligiran nito
Nagbigay ito ng kabuoang pananaw at pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral ng paksa at ang kalawakan nito kung saan tinatalakay ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng pangangailangan at pananaliksik.
1.Suliraning at Kaligiran nito
-Ang pinaggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.
RASYONAL
Ang pakay o ibig matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito. Binubuo ito ng dalawang uwi: PANGKABUOANG LAYUNIN na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik
LAYUNIN
TIYAK NA LAYUNIN na kung saan itinuturing nabahagi ng pangkabuoang layunin at ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa panananliksik na nasusukat, nakakait, naoobserbahan at tinaguring makatotohanan.
LAYUNIN
-Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinababg sa pananaliksik at kung paano sila makikinabang ditto.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
-INPUT -> PROSESO -> AWTPUT
BATAYANG KONSEPTWAL
-Nakaraang Teorya:
-Bagong Teorya:
-Kaugnay na Verbal sa Pag-aaral:
-Kadahilanan sa Paghahanap ng mga Panibagong Datos:
BATAYANG TEORITIKAL
-Delimitasyon ng Pag-aaral:
-Problema ng Pananaliksik:
-Pinagganapan ng mga Nakilahok:
-Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik:
-Saklaw sa Pag-aaral:
SAKLAW NG LIMITASYON NG PAG-AARAL
-_______ (“Key Word”)
Konseptwal na Kahulugan
PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA
Matutunghayan sa bahaging ito ang nakalap na referensyang kaugnayan sa ginawang pag-aaral.
KAUGNAY NA LITEARATURA
Maaaring humango sa mga aklat, disertasyon, tesis, dokumento, artikulo at iba pang sanggunian.
KAUGNAY NA LITEARATURA
-Isinusulat muna ang nakuhang pahayag sa bawat awtor at isinusulat sa katapusan ng pahayag ang apelyido ng awtor at taon ng pagkakalathala o pagkakagawa nito.
KAUGNAY NA LITEARATURA
Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon. Sa bawat pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang taon ng pagkakagawa ng pag-aaral.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
-Kailangang pagbuklurin ang mga ideyang hinango mula sa mga local at dayuhang pag-aaral. Ang mga local na pag-aaral at literature ay hango sa mga pag-aaral na ginagawa sa loob ng bansa at ang dayuhang pag-aaral ay hango naman sa pag-aaral na gawa sa ibang bansa.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
-Banyaga (mula sa tesis ni Leonora L. Yambao na may pamagat na “Mungkahing Gabay sa Pag-aaral sa Asignaturang ‘Pamamaraan ng Pagturo’,” 1999)
MGA HALIMBAWA NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
tumutukoy sa pansamantalag talaan ng mga impormasyong kaugnay ang isinasagawang pananaliksik
BORADOR
makikita ang unang sulatin ng bawat bahagi ng pananaliksik kaugnay ng tinipon o nakolektang impormasyon.
BORADOR
isang ipunan o imbakan ng mga kaalamang gagamitin sa pananaliksik.
BORADOR
Pagunahing binabalik-balikan ng isang mananaliksik upang baguhin, dagdagan, at payabungin ang mga impormasyon sa panananliksik.
BORADOR
Upang maging mabisa ang pakikipanayam, pangunahing kailangan ang kahandaan. Maaring magtanung-tanog o kaya naman ay magbasa-basa kung sino ang tamang taong malalapitan upang interbyuhin.
ANG PAGPAPLANO SA INTERBYU
Sa ganitong paraan, ito’y makakatulong sa pagtitipid ng oras at pagod. Kung napag-alaman na kung sino ang target na iterbyuhin, maaari nang paghandaan
ANG PAGPAPLANO SA INTERBYU
ay lipon ng mga nakasulat na tanong ukol sa paksa, inihahanda at ipinapasagot sa layuning makakuha ng mga sagot at opinion mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik.
TALATANUNGAN O KWESTYONEYR
Ito ay isang napakahalagang instrument sa pangangalap ng impormasyon ukol sa ginagawang pananaliksik.
TALATANUNGAN O KWESTYONEYR
kinakailangang may kalakip na sulat, na magalang na humingi ng kooperasyon mula sa respondent na magbigay ng tamang impormasyon sa ikatatagumpay na ginagawang riserts.
TALATANUNGAN O KWESTYONEYR
-Rayunale ng Pag-aaral
-Suliranin ng Pag-aaral
1. Pangunahing Suliranin
2. Tiyak na Suliranin
-Kahalagahan ng Pananaliksik
-Batayang Konseptwal
Input – Proseso - Awtput
KABANATA 1
-Batayang Teoretikal
-Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
1. Konseptwa
2. Operasyunal
-Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
-Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
1. Kaugnay na Literatura
2. Kaugnay na Pag-aaral
KABANATA 1
Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang pagtalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.
Rasyunale ng Pag-aaral
-Ang pakay o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito. Binubuo ito ng dalawang uri: PANGUNAHING SULIRANIN na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik; at TIYAK NA SULIRANIN na kung saan itinuturing na bahagi ng pangunahing suliranin at ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na nasusukat, nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan.
Suliranin ng Pag-aaral
-Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung paano sila makikinabang dito.
Kahalagahan ng Pananaliksik
-Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinagawang pag-aaral. Binubuo ito ng makabuluhang pagpapaliwanang ng paradigm na naipapakita sa pamamaraang ipinapakita ng iksema sa ibaba:
-INPUT -> PROSESO -> AWTPUT ->
Batayang Konseptwal
Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng panibagong datos ang mananaliksik na kanya naman susuriin, ipaliliwanag at lalagumin.
Batayang Teoretikal
- Dito tinatalakay ang nakaraang deskripsyon o kasalukuyang teorya na may kahalagahan sa pag-aaral. Isinasaad ang sanggunian ng mananaliksik kung saan ipinakikita ang kaugnayan ng mga variable sa pag-aaral. Nagsisilbing legal na basehan ito upang ilarawang mabuti ang proseso ng pag-aaral.
Batayang Teoretikal
-Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumenting ginamit sa pananaliksik. Tinutukoy din nito ang saklaw ng pag-aaral at ang mga hadlang habang ito ay isnasagawa.
Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral
Ang huling bahagi ng unang kabanata ay paglalahad ng key terms na ginamit sa pag-aaral.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
- ay maaaring mailahad na KONSEPTWAL kung saan ito ay base sa konsepto o ideya na kadalasang makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o di kaya naman ay OPERASYONAL na kung saan ang konsepto o ideya ay base sa kung papaano ito nagamit sa isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na literature na may kaugnayan na isang particular na suliranin ng pannaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa pamamaraang ito matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nananaliksik na may kaugnayan sa iyong paksa.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
ito ay kinakailangang komprehensibo kung maaari – isang payak na dulog upang malinaw na mai-ugnay ang isang pag-aaral sa iba pang pag-aaral.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ito ay mahalaga sa pagdedetermina ng pangkalahatang kredibilidad ng pananaliksik sapagkat nagpapakita ito ng mga nakaraang mga pananaliksik at mga literature na nagbibigay gabay sa pangunahing tunguhin ng isinasagawang pananaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang mga kaugnay na literature ay hindi lamang tumutukoy sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa, gayundin ay nagdaragdag ito ng makabagong impormasyon.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Karaniwang ang mga dyornal, mga magasin at pahayagan ang nakapaglaan ng higit na makabagong impormasyon kumpara sa ilang mga batayang aklat. Ang mga kagamitang ito ay nakapagdaragdag ng iskolatikong halaga ng pananaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Gayundin ang mga Impormasyon na nakukuhang impormasyon sa internet ay mahalagang salik sa pagpapakita at paglalahad ng mga makabagong impormasyon.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Nahahati ang bahaging ito ng pananaliksik sa mga sumusunod
a. banyagang Pag-aaral
b. Banyagang literature
c. Lokal na Pag-aaral
d. Local na Literatura
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa loob ng teksto, isulat lamang ang huling pangalan ng may akda. Sa pagkilala ng magkaibang pinagkunan na may parehong huling pangalan, isama ang kanilang inisyal sa apelyido para sa kaukulang banggit.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
ilalahad ng kabanatang ito ang pangkalahatang larawan ng paksang pananaliksik. Layunin ditong ipakita ang mga nagawa o hindi na nagagawang pananaliksik ukol sa suliranin at igyang linaw ang rasyonaleng teoritikal ng problema.
Kaugnay na Literatura
Sakaling mahaba ang literature at kaugnay na pag-aaral, maaari itong tumayong isang kabanata pagkatapos ng introduksyon.
Kaugnay na Pag-aaral
Kabilang sa bahaging ito ang mga pag-aaral na ang layunin, metodo, o mga natuklasan ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ihain ang pagtalakay ng mga nabanggit na layunin, pamamaraan ng pag-aaral, mga pangunahing natuklasan, at konklusyon sa anyo ng maikling kritikal na pag-aanalisa.
Kaugnay na Pag-aaral
nililinaw rito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Ang pinakasimple ay ang paggamit ng descriptive-analytic na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa paksa ng pananaliksik.
DISENYO NG PANANALIKSIK
tawag sa mga sasagot ng iyong talatanungan o survey questions para makuha ang datos na kailangan sa pananaliksik. Babanggitin ditto kung ilan sila at bakit sila napili.
RESPONDENTE
-Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Sa bahaging ito, maaaring interview o pakikipanayam, pasasagawa ng sarbey at pagpapasagot ng survey questions sa mga respondent.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
- inilalarawan kung anong statisticl na paraan ang ginamit upang ang mga numerical a datos ay mailarawan.
TRITMENT NG DATOS
ito ang instrumenting gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga datos na ipamamahagi at pasasagutan sa mga respondent. Taglay nito ang mga tanong na may kinalaman sa suliranin ng pag-aaral.
TALATANUNGAN
Ito ang pinaka mabisa at pinaka madaling instrument ng sarbey. Ang bawat talatanungan ay kinakailangang may kalakip na sulat, na magalang na humingi ng kooperasyon mula sa mga respondent na magbigay ng inaasahan at tamang impormasyon sa ikatatagumpay ng ginawang pananaliksik.
TALATANUNGAN
May iba’t ibang format ang talatanungan ayon kay
sevilla 1992;232-234
Kung saan Malaya ang mga respondent na sagutin ang hinihingi sa talatanunga sa paraang gusto niya
OPEN END FORMAT
-Open-end format
-Multiple choice format
-Checklist format
-Iskala
-Intervyu
INTERVYU
-ano ang nararamdAMAN MO NANG MARINIG MO ANG KWENTO NG KABABALAGHAN?
A.Takot na takot
B.Natakot
C.Di-tiyak
D.Hindi natakot
E.Hinding-hindi natatakot
MULTIPLE CHOICE
-Halimbawa
ano ang dahilan/mga dahilan mo napiling sagot sa nasa itaas na katanungan?
_ Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang kwento
_ Marami akong kakilalla na nakikita na ng mga taong di-katulad natin
_ Duwag kasi ako
_ Hindi karaniwan ang paksa ng kwento
_Pangkaraniwan ko nang narinig ang gayong uri ng kwento
_ Hindi naman totoo
_ Pangkaraniwan ko nang narinig ang gayong uri ng kwento
_ Malakas ang loob ko
CHECKLIST FORMAT
-May mga hakbang sa pagsasagawa ng intervyu [Constantino at zafra 1997;88-91] na napapangkat sa mga sumusunod na yugto; bago ang intervyu, aktwal na intervyu, at pagkatapos ng intervyu.
INTERVYU
A. tiyakin ang taong iintervyuhin
B. makipag-ugnayan sa iintervyuhin at itakda ang petsa at lugar ng intervyu
C. magsaliksik tungkol sa paksa at sa taong iintervyuhin
D. maghanda ng mga gabay na tanong
E. ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa intervyu
BAGO ANG INTERVYU
a)Dumating sa takdang petsa, oras at lugar ng intervyu.
b)Magpakilalalang muli sa iintervyuhin at bigyan siya ng malinaw na background tungkol sa paksa o impormasyong nais mong makuha at layon ng intervyu
c)Isagawa ang intervyu mo sa pamamagitan ng epiktibong tanong.
d)Magpapasalamat sa nagpaunlak ng intervyu.
AKTWAL NA INTERVYU
a)I-voice record mo ang petsa, lugar, at paksa, pngalan ng taong iintervyuhin upang hindi mo makalimutan ang mga detalye ng intervyu.
b)Gawan mo ng transkripsyon ang voice teyp. Isalin ito sa papel. Gawing verbatim o ayon sa sinasabi ng transkripyon. Itala rin kung tumawa, naiinis, nagalit, natakot, at iba pa.
PAGKATAPOS NG INTERVYU
-Halimbawa;
-5-sang-ayon na sang-ayon
-4-sang-ayon
-3-hindi tiyak
-2-hindi sang-ayon
-1-hinding-hindi sang-ayon
ISAKALA