Aralpan Flashcards
Mga mahalagang ambag sa mga sinaunang tao sa panahong prehistoriko
Oldowan
Acheulean
Pagtuklas ng apoy
Pagtatahi
Paggawa ng sandata
Dugout Canoe
Domestication
Barter
Mga mahahalagang ambag ng bawat rehiyon ng Mesopotamia
Cuneiform
Epiko ni Gilgamesh
Potter’s wheel
Horse-drawn chariot
Plow o araro
Textile mills
Code of Hammurabi
Siege Engines
Hanging Gardens of Babylon
Ishtar Gate
Mga mahahalagang ambag ng Ehipto
Beans
Cotton
Wheat
Flax
Papyrus
Rosetta Stone
Piramide
Ivory
Ebony
isang Danish na arkeologo na nagpalaganap sa tinatawag na three-age system.
Christian Thomsen
Ano ano ang Three-age system
Panahon ng Bato
Panahon ng Bronse
Panahon ng Bakal
Ang yugto ng kasaysayan bago pa magkaroon ng sistema ng pagsulat. Ito ay nangangahulugan ng “panahon bago ang kasaysayan.”
Prehistory
nagsimula 2.5 milyong taon na ang nakalipas. Laganap ang paggamit ng mga sinaunang tao sa mga bato at mga kagamitang hango o wangis sa mga bato
Panahon ng Bato
Tatlong yugto sa panahong bato
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Ang paggawa ng mga kagamitang bato ay mahahati sa dalawang pangkat: ang____ at____ na pamamaraan.
Oldowan at Acheulean
pinakamatandang pamamaraan ng paggawa ng kagamitang wangis sa bato.
OLDOWAN
lugar kung saan unang natuklasan ang Oldowan.
Olduvai Gorge sa Tanzania
Sino ang nakatuklas ni Oldowan
Louis Leakey
ikalawang pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitang bato hango sa pangalan ng lugar na pinagtuklasan ng mga kagamitan, sa Saint-Acheul, Somme, Pransiya.
ACHEULEAN
Ang pagtatapos ng Panahong Paleolitiko ay nagging hudyat din ng pagtatapos ng
ice age
Ito ay hango sa salitang paleo na nangangahulugang “luma” at lithic na patungkol sa bato. Ito ang panahon kung saan unang gumamit ang sinaunang tao ng mga bato para sa kanilang pamumuhay.
paleolitiko
(lumang bato) – 2.5 milyon taon - 9600 BCE
Paleolitiko
(gitnang bato) – 10000 BCE-8000 BCE
Mesolitiko
(bagong bato) – 9000 BCE-3000 BCE
Neolitiko
Ang kasanayan sa Panahong Paleolitiko na gumamit at magwangis ng mga kagamitan mula sa bato ay nagbunga sa paggawa nila ng sandata tulad ng mas matibay na
sibat at palakol.
Ang salitang meso ay nangangahulugang “gitna” sa wikang Griyego. Tinutukoy itong gitna bilang transisyon sa huling yugto ng Panahon ng Bato.
Mesolitiko
Gamit ang mga kagamitang bato ay patuloy silang nanghuli ng iba’t ibang uri ng hayop sa kanilang kapaligiran. Sila rin ay nangolekta Kabihasnanng iba’t ibang uri ng pananim sa mga lugar na kinapaparoonan nila. Ang pamumuhay na ito ay tinatawag na .
hunter-gatherer
Isa sa mga makabuluhang gamit na natuklasan sa panahong ito ay ang isang____na ukit mula sa isang punongkahoy.
dugout canoe
Nailalarawan sa panahong ito ang bagong pamamaraan sa paggawa ng mga kagamitan.
Neolitiko
ang pag-aalaga ng hayop upang maging pagkain at makatulong sa pagsasaka ng mga tao.
DOMESTICATION
tawag sa pangangalakal o pagpapalitan ng kagamitan batay sa pangangailangan.
BARTER
nagsimula noong 3000 BCE-1000 BCE
Panahon ng Metal
pagkuha ng mineral na ore
SMELTING
unang uri ng metal na nagamit ng tao
Tanso o copper
sining sa paghubog ng mga kagamitang metal mula sa mga mineral na ore, ay nananatiling mahalagang proseso hanggang sa kasalukuyan.
metallurgy,
Ito ay isang pamayanan na may mga pader na nagsisilbing pangdepensa
hillfort
transisyon mula sa Panahong Bato tungo sa Panahong Ng Metal
Panahon ng Tanso
panahong nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao.
Panahon ng Bronse
huling yugto sa lumang kasaysayan ng sinaunang tao.
Panahon ng Bakal
naglalarawan sa mataas na uri ng pamayanan na nakamit ang pagbabago sa lipunan, kultuura, at teknolohiya.
SIBILISASYON
isang arkeologong Australyano na nagsasabing mayroong sampung katangian ang isang sibilisasyon.
V. GORDON CHILDE
transisyon mula sa mga agricultural at pastoral na pamumuhay patungo sa pagtatayo at pangangasiwa ng mga lungsod.
REBOLUSYONG URBAN
Ang rehiyong ito ay nasa pagitan ng dalawang ilog, ang ._____ at____Ang dalawang ilog na ito ay dumadaloy mula sa mga bulubundukin ng Armenia at Turkey palabas ng Golpong Persiano.
Ilog Tigris at Ilog Euphrates
ay hango sa wikang Griyego at binubuo ng salitang meso na nangangahulugang “gitna” at potamus na nangangahulugang “ilog.” lugar kung saan umusbong ang kauna-unahang kabihasnan
MESOPOTAMIA
Tinatawag na____ ang Mesopotamia dahil sa matabang nitong lupa.
fertile crescent
Tinatawag na rin ang Mesopotamia dahil nagmula rito ang maraming sinaunang lipunan.
cradle of civilization
unang kabihasnang nanaig sa Mesopotamia
SUMER/SUMERIAN
unang baying tinatatag ng mga Sumerian noong 3200 BCE. Isa itong metropolis na kinalalagyan ng mga mahahalagang gusali ng kanilang pamayanan.
URUK
sentro ng pamahalaan, mga malalaking pamilihan, at ang temple o simbahan para sa kanilang relihiyon
ZIGGURAT
Maliban sa Uruk ay tanyag din ang bayan ng ___. Dito matatagpuan ang pinakamalaking ziggurat sa daigdig.
Ur
Ang ur na Lugar Ito rin ang binabanggit sa Bibliya na lugar kung saan ipinanganak si ___, mahalagang karakter sa relihiyon ng Hudaismo at Kristiyanismo.
Abraham
Ito ay mga mala-piramideng gusali na gawa sa ladrilyo. Ito ang sinasabing tahanan ng kanilang mga diyos at diyosa at mahalagang sentro ng kanilang pananampalataya.
ziggurat
Ito ay matatagpuan hanggang ngayon sa Iraq.
Great Ziggurat
Ito ay hango sa salitang Latin na cuneus na ang ibig sabihin ay “kalang” o “wedge,” na naglalarawan sa kalang na itsura ng pagsulat.
cuneiform
Ito ay isang mahalagang literatura na ambag ng Sumeria. Ito ay kuwento tungkol sa hari ng Ur na si Gilgamesh.
Epiko ni Gilgamesh
ito ang sentro o pinakatanyag na bayan ng isang bansa. Maaarinng ito rin ang kabisera ng isang bansa.
METROPOLIS
Ito ay matatagpuan sa hilagang silangan ng Aprika
Ehipto
pinakamahalagang anyong tubig para sa mga Ehipto dahil sa baybayin nito naninirahan at namumuhay ang sinaunang pamayanan.
ILOG NILE
Ang unang mga pamayanan sa Ehipto ay naitatag sa bukana o sa pampang ng Ilog Nile.
Tinawag itong mga ____, isang salitang Griyego na nangangahulugang “batas
nomes
Sa wikang Ehipto naman ay tinatawag itong _____. Ito ang mga naunang probinsiya ng bansang Ehipto bago pa naitatag ang sinasabing Unang Dinastiya ng Ehipto. Tulad ng kabihasnan sa Mesopotamia, ilog ang bumuhay sa mga unang pamayanan.
sepat
bagaman nasa timog, tinatawag itong mataas dahil sa elebasyon o taas ng lupa.
UPPER EGYPT
Sinasabi rin na dito nagmumula ang ilog pababa o palabas ng Dagat ______
Mediteraneo.
Sa hilaga ito ang mga kapatagan na malapit sa bukana ng Ilog Nile o tinatawag itong mababa
LOWER EGYPT
Ang lumang Ehipto ay nahahati sa dalawang balangkas ayon sa lupa, ang
pulang lupa at itim na lupa.
ay matatagpuan sa mababang Ehipto. Ito ang lupain na mayaman sa sustansiyang pangsaka na nagmumula sa ilog. dahil sa naiipong silt mula sa Ilog Nile
itim na lupa
ito ay nananatili sa lupa na nagiging sustansiya ng mga pananim ng Ehipto. Maliban sa pagsasaka ay sagana sa papyrus ang mababang Ehipto. Mahalaga ang pananim na ito sapagkat ito ay kanilang nagamit bilang papel.
silt
naman ang mga tuyong lupain. Mas marami mataas na Ehipto sapagkat ito ang kinalalagyan ng mga patag na desyerto.
pulang lupa
Ang kasaysayan ng Ehipto ay sinasabing nag-umpisa noong 3400 BCE. Ito ang panahon kung saan mayroong dalawang tanyag na kaharian sa Ehipto
Panahon ng sinaunang dinastiya
Siya ang responsible sa pagkakaisa ng Ehipto
HARING MENES O HARING NARMER
uri ng pamamahala kung saan ang pinuno ay pagpapatakbo sa pamahalaan at relihiyon ay iisa.
THEOCRACY –
banal na pagsulat
HIEROGLYPHICS
Dahil sa taglay nitong ganda ay tiningnan ito ni ______, isang Griyegong historyador, bilang isang banal na pagsusulat.
Herodotus
bukod sa isang napakahalagang tuklas sa arkeolohiya, ay nagsilbing susi upang maunawaan ang iba pang mga hieroglyphs na nakasulat sa mga piramide.
Rosetta stone
Ito ay kung saan marami silang kinikilalang diyos. Umiikot ang kanilang pamumuhay sa reli
politeistiko
Sila ay naniniwala sa _______ kung saan ang mga kilos at desisyon sa kasalukuyan ay mayroong epekto sa kabilang buhay. Ang kanilang mga diyos ay mayroong iba’t ibang representasyon.
ma’at o harmony
Ilan sa mga mahahalagang diyos ay ang mga sumusunod
Isis
Osiris
Ra
Siya ang kinikilalang pinakamalakas na diyos at binansagang “Ina ng mga diyos.”
Isis
Siya ang kinikilalang hukom ng mga namayapa. Siya ang nagbibigay ng huling paghuhusga sa mga kaluluwa sa Hall of Truth. Dito napagdedesisyunan ang kalalagyan ng isang kaluluwa sa kabilang buhay.
Osiris
Siya ang kinikilalang araw sa lungsod ng Heliopolis. Mula sa lungsod ng Heliopolis ay kumalat sa buong Ehipto ang paniniwala kay Ra bilang diyos. Siya ang tinaguriang creator god na namumuno sa daigdig ng buhay at patay. Sinasabing siya ay sinisimbolo ng araw at ang kaniyang paglalakbay ay sinisimbolo ng pagsikat at paglubog ng araw.
Ra
. Ito ay ang proseso ng pagpipreserba sa katawan ng isang yumaong tao. Sinasabing nagsimula ito noong _____
mummification,3500 BCE
Ang kasaysayan ng Ehipto ay nahahati sa tatlong mahahalagang yugto. Ito ay ang
Lumang Kaharian, ang Gitnang Kaharian, at ang Bagong Kaharian
Tinatawag itong panahon ng mga piramide
Sa panahong ito, dahan-dahang naubos ang kaban ng bayan dahil sa magastos na pagpapatayo sa mga piramide.
Lumang Kaharian
Siya unang paraon sa panahong lumang kaharian
HARING DJOSER
Ito ang panahon ng dalawang kaharian (Heracleopolis ng mababang Ehipto at Thebes ng mataas na Ehipto)
Unang Intermediate Period
Ang transisyon sa bagong yugto o kaharian ay kadalasang bunga ng mga krisis o kaya ay mga hamon mula sa loob at labas ng Ehipto. Ang pagitan ng mga yugto o kahariang ito ay tinatawag na
intermediate periods.
May mga lugar o probinsiya naman sa dating kaharian na nanatiling malaya at hindi sakop ng Thebes at Heracleopolis, at pinamumunuan ng mga ____ o mga lokal na pinuno ng probinsiya o rehiyon.
nomarchs,
Ang panalo ni at pagtatapos ng hidwaan o digmaang-sibil na ito ang siyang nagbukas sa panibagong yugto ng Ehipto at siyang nagpasimula sa panahon ng Gitnang Kaharian.
Mentuhotep II
Naipatayo ni ____ang pinakamalaki at pinakakilalang piramide, ang Great Pyramid. Itinayo ito noong panahon ng pamumuno ni Khufu, ganap na 2589 hanggang 2566 BCE.
Khufu
Mababang ehipto
Heracleopolis
Mataas na ehipto
Thebes
Ang kahinaan ng mga hari sa panahong ito ay nagbugay daan upang magkaroon ng mas direktang kapangyarihan ang mga local na pinuno.
Ikalawang Intermediate Period
Ito ang panahong klasikong Ehipto, kung saan sagana ang pamumuhay at mayabong ang kultura.
Gitnang Kaharian
-Sa panahong ito unang ginagamit ang PHARAOH bilang titulo ng kanilang hari.
Bagong Kaharian
Sa panahong ito, napasakamay sa mga dayuhan ang Ehipto
Ikatlong Intermediate Period.
Amerikanong propesor ng arkeologo at manunulat sa mga paksang kasaysayan at arkeologo
CHARLES REDMAN
Ito ay kalipunan ng mga ritwal at mga orasyon na nagsisilbing gabay ng isang kaluluwa sa kabilang buhay.
Book of the Dead.
– pangkat ng mga tao na naninirahan sa Mesopotamia.
AMORITE
– pinuno ng Babylon (1792-1750 BCE)
HAMMURABI
– batas na nagging gabay sa lipunan ng Babylonia
CODE OF HAMMURABI
Ito ay matatagpuan sa bayan ng Ashur na pinanggalingan ng ngalan ng kanilang Imperyo.
kabisera
– huling dakilang hari ng Assyria
ASHURBANIPAL
– pinakatanyag na pinuno ng Chaldean
HARING NEBUCHADNEZZAR II
– sinasabing regalo ni haring Nebuchadnezzar II sa kaniyang asawa.
HANGING GARDENS OF BABYLON
ang Great Pyramid. Itinayo ito noong panahon ng pamumuno ni Khufu, ganap na noong
2589 hanggang 2566 BCE
Mga Imperyo sa Mesopotamia
Akkad, Babylonia, Assyrian, Chaldean
Pinaka unang imperyo sa kasaysayanang Imperyong Akkadian
Akkad
ang nagtatag ng Imperyong Akkadian
HARING SARGON
Ang kanilang kabisera ay matatagpuan sa bayan ng Ashur na pinanggalingan ng ngalan ng kanilang imperyo
Assyrian
Sa panahong ito, nagkaroon ng bahagyang kalayaan ang mga Ehipsiyo noong 401 BCE nang umatras ang mga Persyano sa hilagang Ehipto mula sa digmaang Griyego-Persyano.
Late Period ng Ehipto
naghari sa loob halos ng tatlong siglo.
Dinastiyang Ptolemy
ang kahuli-hulihang reyna ng nasabing dinastiya.
Cleopatra VI
naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
Egypt
Isa itong pamayanan sa Babylonia na pumalit sa imperyong Assyria
CHALDEAN
Ito ay nangangahulugang “gitna” sa salitang Griyego
Panahong Mesolitiko
Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang mahalagang literature na ambag ng Sumeria
TAMA
Tinatawag na “hunter-gatherer” ang mga tao sa Panahong Mesolitiko
TAMA
Ang kasaysayan ng Ehipto ay sinasabing nag-umpisa noong 3400 BCE.
TAMA
Ang yugto ng kasaysayan bago pa magkaroon ng sistema ng pagsulat ay tinatawag na _____
Prehistory
.
Ang rehiyong ito ay nasa pagitan ng dalawang ilog, ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates
Mesopotamia
Ito ay isa sa mga tradisyon para sa mga namayapa sa Ehipto
Mummification