Aralin 7 Flashcards
Papel na Ginagampanan ng mga Mamamayan sa Pagsusulong ng Mabuting Pamamahala
Saan nagmula ang salitang pamahalaan?
sa salitang Latin na gubernare
Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na gubernare?
to steer, to pilot, to rule, to direct o to guide
Ito ay isang institusyon na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Pamahalaan
Ayon sa _____________________________________,
“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”
Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon
Ito ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal ng nakararami at magsisilbi sa loob ng anim na taon.
Ang Sangay Ehekutibo (Tagapagpagganap)
Ito ang sangay ng pamahalaan na siyang nagpapatupad ng batas.
Ang Sangay Ehekutibo (Tagapagpagganap)
Ito ang sangay ng pamahalaan na ang pangunahing layunin ay gumawa, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga batas
Ang Sangay ng Lehislatura (Tagapagbatas)
Ang Sangay ng Lehislatura ay nahahati sa dalawang kapulungan, ano ang dalawang ito?
Senado/Senate (Upper House o Mataas na Kapulungan) (binubuo ng 24 senador at maaaring manungkulan ng 6 na taon)
Kapulungan ng mga Kinatawan/House of Representatives (Lower House o Mababang Kapulungan (binubuo ng higit 250 na Kinatawan o Congressman, na galing sa lungsod, bayan, lalawigan at distrito).
Ilan ang binubuo ng Senado/State?
binubuo ng 24 senador at maaaring manungkulan ng 6 na taon
Ilan ang binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan/House of Representatives
binubuo ng higit 250 na Kinatawan o Congressman, na galing sa lungsod, bayan, lalawigan at distrito
Binubuo ito ng Korte Suprema at mga nakabababang hukuman.
Ang Sangay ng Hudiktura (Panghukuman)
Ito ay may kapangyarihang lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas.
Ang Sangay ng Hudiktura (Panghukuman)
Ito ay isang paraan o proseso ng pamumuno, pagpaplano, pagpapasya at pagpapatupad ng mga desisyong pampolitika, pang-ekonomiya at pang- administribo. Ito ay ang isang istraktura ng awtoridad, responsibilidad at pananagutan sa isang samahan.
Pamamahala (Governance)
Ito ang sangay ng pamahalaan na nagpapaliwanag o nagbibigay ng interpretasyon sa pagpapatupad ng batas.
Ang Sangay ng Hudiktura (Panghukuman)
Ito ay ang isang istraktura ng awtoridad, responsibilidad at pananagutan sa isang samahan.
Pamamahala (Governance)
Tumutukoy sa proseso tulad ng pagpaplano kung saan ang isang tao o pangkat ng mga tao, ay ginagabayan at sumusunod sa isinasaad na pamantayan upang makabubuo ng isang desisyon na naaayon sa pangangailangan at kagustuhan (needs and wants) ng mga kasapi.
Paggawa ng desisyon
Ito ang proseso ng pagsasakatuparan o materialization ng plano o desisyong nagawa.
Pagpapatupad ng desisyon
Ito ay isang sektor, grupo o institusyon na lumahok sa proseso ng paggawa at pagpapatupad ng desisyon
Aktor
Ito ang tawag sa isang tao na kabilang sa isang bansa.
Mamamayan (citizen)
Tumutukoy sa mekanismo o sistema na gumagabay sa proseso ng paggawa at pagpapatupad ng desisyon.
Istraktura
Sektor kung saan nabibilang ang institusyon ng estado
Sektor ng Publiko
Sektor kung saan nabibilang ang mga sambahayan at kumpanya
Ang Pribadong Sektor
Ito ay tumutukoy sa aktibong pakikilahok ng mamamayan.
Participatory Governance
Sektor kung saan nabibilang ang mga hindi samahang pang-gobyerno
Ang Lipunang Sibil
Ito ay mahalaga sa isang bansang demokratiko dahil sa pagkakataon na makipagtulungan ang mga mamamayan upang mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Participatory Governance
Ito ay tumutukoy sa sistema ng pamamahala na nagtataguyod, sumusuporta at nagpapanatili ng kaunlaran ng tao lalo na para sa pinakamahirap.
Good Governance
Pagkakaroon ng patas o pantay sa alituntunin ng batas; walang pagkiling para sa kapakanan ng nakararami.
Rule of Law
Tumutukoy sa pagbibigay ng malinaw at nauunawaang impormasyon
Transparency
Ang agarang pagtugon sa mga pangangailangan para sa pampublikong kapakanan
Responsiveness
Pagkakaroon ng konsultasyon, pakikipagkasunduan sa mga mamamayan at pakikilahok sa proseso ng pagpaplano at pagdedesisyon
Consensus Oriented
Pagbibigay pagkakataon sa mga mamamayan na maging bahagi ng gawaing panlipunan upang magamit ang kanilang kasanayan, kakayahan at kaalaman.
Equity and Inclusiveness
Ang paggawa ng desisyon at pagbuo ng mga plano ay naayon sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan; habang nabibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na maibahagi ang kanyang kaalaman at kasanayan ay nagkakaroon siya ng panlipunang responsibilidad bilang bahagi ng lipunan.
Effectiveness and Efficiency
Ang pananagutan ay isang pangunahing prinsipyo ng mabuting pamamahala. Ang paggawa ng anumang desisyon o aksyon ay kinakailangang nakaayon sa kabutihan ng lahat. Ito ay maiuugnay din sa sistemang check and balance.
Accountability
Batayan ng mabuting pamamahala ang pagkakataon ng bawat isa na makilahok at magkaroon ng kamalayan sa kalagayan ng bansa. Ang pagkakaroon ng nito ay pagkakaroon din ng kalayaan ng isang tao na makasali sa anumang aktibidad o kaganapan ng bansa.
Participation