Aralin 4 Flashcards
Kahalagahan ng Pagsusulong at Pangangalaga sa Karapatang Pantao sa Pagtugon sa mga Isyu at Hamong Panlipunan
Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig, gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Aktibo ang organisasyong ito sa Pilipinas.
AMNESTY INTERNATIONAL
Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.
HUMAN RIGHTS ACTION CENTER (HRAC)
Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
ASIAN HUMAN RIGHTS COMMISSION (AHRC)
Anong taon itinatag ang Asian Human Rights Commission (AHRC)?
1984
Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo. Isa sa mga adbokasiya nito ay ang paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa kadahilanang politikal.
FREE LEGAL ASSISTANCE GROUP (FLAG)
Anong taon itinatag ang Free Legal Assistance Group (FLAG)?
1974
Sino-sino ang nagtatag ng Free Legal Assistance Group (FLAG)?
Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo
Itinatag ang alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng mahigit sa 100 mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nilikha ito bilang alyansa organol, institusyon at organisasyon na nakatuon sa proteksiyon at ng mga pagtataguyod ng mga karapatang pantao sa Pilipinas
PHILIPPINE ALLIANCE OF HUMAN RIGHTS ADVOCATES (PAHRA)
Anong taon itinatag ang Philippine Alliance Of Human Rights Advocates (PAHRA)?
1986
Ito ay alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Isa sa mga programa ng alyansa ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan.
KARAPATAN
Anong taon itinatag ang Karapatan?
1995
Itinatag ito noong 1974. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din ang samahan ng suportang legal, pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya.
TASK FORCE DETAINEES OF THE PHILIPPINES
Anong taon itinatag ang Task Force Detainees Of The Philippines?
1974