Aralin 1 Flashcards
Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayan na Nakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pansibiko
Ito ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
CITIZENSHIP O PAGKAMAMAMAYAN
Aling kabihasnan nagsimula ang konsepto ng citizenship o pagkamamamayan?
Kabihasnang Griyego
Sino ang orador ng Athens noong nagsimula ang konsepto ng citizenship o pagkamamamayan?
Pericles
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus Sanguinis
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa United States of America.
Jus Soli o Jus Loci
Saang Artikulo ng Saligang Batas 1987 nagtatakda ng mga probisyon sa pagkilala sa indibidwal bilang isang mamamayang Pilipino?
Artikulo IV
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito
SEKSIYON 1
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
SEKSIYON 1
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
SEKSIYON 1
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSIYON 1
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSIYON 2
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON 3
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON 4
Aling seksiyon ng Artikulo IV nabibilang ang pahayag na ito: Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
SEKSIYON 5
Sino ang abogadong naglahad ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa?
Alex Lacson