Aralin 6 Flashcards
Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan sa mga Gawaing Pansibiko sa Kabuhayan at Pulitika
1
Q
Ayon sa __________________________________________,
“Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan”.
A
Artikulo II, Seksiyon 1 ng Saligang Batas
2
Q
Mga paraan ng pakikilahok sa gawaing politikal. (4)
A
- Pakikilahok sa eleksyon sa pamamagitan ng pagboto.
- Masidhing mga aksyon para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
- Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan.
- Pagsunod sa batas.
3
Q
Epekto ng politikal na pakikilahok. (4)
A
- Sa pamamagitan ng pagboto, mamamayan mismo ang nakakapagtakda ng kinabukasan ng ating bayan.
- Nakakapaglunsad ng mga samahan ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos na tinatawag na civil society.
- Nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos at marangal sa bayan.
- Malayang naipapahayag ang saloobin.
4
Q
Mga paraan ng pakikilahok sa gawaing pansibiko sa kabuhayan. (5)
A
- Kailangan maging produktibo upang makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa.
- Maging isang aktibong mamamayan
a. Nagtatrabaho ng maayos at sa tamang paraan.
b. Pinagbubuti ang anumang gawain sa abot ng kanyang makakaya at may pagkukusa. - Natatapos nang maayos ang mga gawain sa tamang oras sa kapaki-pakinabang na gawain.
- Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.
- Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino
5
Q
Mga epekto ng pakikilahok sa gawaing pansibiko sa kabuhayan. (2)
A
- Madaling maisasagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at nagtutulungan.
- Ang pagtutulungan ay nakakapagbuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay magkaisa.
6
Q
Makikita sa dalawang uri na ito ang nadudulot ng mga gawaing pansibiko. (2)
A
a. Nabibigyan ng agarang lunas ang mga isyu sa lipunan.
b. Pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto