Aralin 2 Flashcards
Kahalagahan ng Aktibong Pagkamamamayan
Ang salitang ito ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “mamamayan”.
CIVICS (SIBIKO)
Ito ay ang tawag ng Pranses sa salitang Civics noong unang panahon.
CIVIQUE
Ito ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng lipunan at ng bansa.
GAWAING PANSIBIKO
Ito ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa at lipunang kinabibilangan.
KAMALAYANG PANSIBIKO
Ito ay tumutukoy sa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa kani- kanilang lokal na lipunan, upang makapag-ambag sa pagtatatag at pagpapanatili ng isang demokratikong lipunan.
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN
Ayon dito, ang mamamayang Pilipino ay dapat taglayin at isabuhay ang mga pangunahing mahahalagang pag- uugali o core values na pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa
Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines at bahagi rin ng linya ng ating “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat o Pledge of Allegiance to Philippine Flag”
Isang katangian ng aktibong mamamayan na ang pagiging totoo sa sarili, kapwa at sa lipunan ay nakatutulong upang maisagawa ng tama ang kanyang mga tungkulin sa lipun
MATAPAT
Isang katangian ng aktibong mamamayan na ang responsibilidad ay ang pagtupad ng mga obligasyon o pangangalaga kapag nagpapasya o gumagawa ng isang bagay.
MAPANAGUTAN
Isang katangian ng aktibong mamamayan na ang pagpapakita ng may buong respeto sa mga nakakatanda, awtoridad, opisyal ng pamahalaan at iba pa.
MAGALANG
Isang katangian ng aktibong mamamayan na ang sumusunod sa mga batas, tumutugon sa mga adhikain ng mga awtoridad at hindi gumagawa ng illegal at paglabag.
NAKIKIISA
Isang katangian ng aktibong mamamayan na ang pagkakaroon ng may takot at pananampalataya sa may likha.
MAKA-DIYOS
Isang katangian ng aktibong mamamayan na tumutulong at gumagawa ng kabutihan sa kapwa at tao.
MAKATAO
Isang katangian ng aktibong mamamayan na may prinsipyo na maging patas, nasa panig lagi ng hustisya.
MAKATARUNGAN
Isang katangian ng aktibong mamamayan na tumutulong sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan, kagandahan at kasaganaan ng kalikasan.
MAKAKALIKASAN
Isang katangian ng aktibong mamamayan na nakikinig at nagbabasa ng mga balita ukol sa isyung pambansa, Nakikilahok sa mga gawain ng bansa.
NAKIKIALAM