Aralin 6 and 7 Flashcards
Maliban sa sawikaan, ano pa ang okasyon na idinadaos ng FIT?
Ambagan
Ito ang kumperensiyang nakatuon sa mga ambag na salita ng iba’t ibang wika sa Pilipinas para sa pag-unlad ng wikang pambansa.
Ambagan
Layunin ng pagpupulong na makalikom ng mga salita mula sa iba’t ibang wika sa bansa at matalakay ang kahulugan, kasaysayan, at gamit pati na ang kahalagahan nito upang mailahok sa korpus ng wikang pambansa.
Ambagan
Tuwing kailan ginaganap ang ambagan?
Ang proyektong ito ng FIT ay ginaganap tuwing ikalawang taon mula noong 2009.
Kailan ang pinakaunang ambagan sa Pilipinas?
ika-5 at 6 ng Marso, 2009
Kinikilala at tinutugunan ng nasabing ambagan ang probisyong pangwika na mababasa sa _______________________________.
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas 1987
Ano ang nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas 1987 ?
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Ito ay proyekto ng nasyonalisasyon.
Ambagan
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng kabus?
- iluko
- kabilugan ng buwan
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng murmuray?
- Iluko
- Panunumbalik sa normal ng mga sentido pagkagising.
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng kibin?
- iluko
- magkahawak-kamay habang naglalakad
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng mánúcluan?
- kapampangan
- iskwater
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng tángî?
- kapampangan
- Pag-aaring nakuha sa panahon ng pagpapakasal ng mga-asawa
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng síbul ning lugud?
- Kapampangan
- walang hanggang pagmamahal
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng hablóndawani?
- Bikolano
- Bahaghari
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng tunton-balagon?
- Bikolano
- Alitaptap
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng mangindara?
- Bikolano
- Mga Sirena sa lawa
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng baysanan/
- Tagalog-Batangas
- Kasalanan
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng himatlugin?
- Tagalog-Batangas
- Nanghihina ang katawan
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng mali-mali?
- Tagalog-Batangas
- Magugulatin
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng gait?
- Kankanaey
- Kasama
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng Benge?
- Kankanaey
- Palamuti sa buhok ng mga kababaihan
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng inayan/
- Kankanaey
- Pagpigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay at ito ay isang ekspresyon na nagpapahayag ng pagkadismaya
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng kaamulan?
- Higuanon
- Piyestang kultural
Ano ang pinagmulang wika at kahulugan sa Filipino ng buuy?
- Higuanon
- Lola sa tuhod