Aralin 3 Flashcards
Bakit naging kontrobersyal ang halalan noong 2004?
Natalo ni Gloria Macapagal Arroyo si Fernando Poe Jr. sa pagkarpresidente nang halos isang milyong boto lamang.
Ano ang eskandalong “Hello Garci?
Lumabas ang pag-uusap nila Gloria Macapagal Arroyo at Virgilio Garcillano tungkol sa eleksyon
Sino ang nagpresenta ng canvass sa sawikaan?
Randy David
Ano ang pakahulugan ni Randy David sa canvass?
- telang ginagamit sa pagpipinta o trapal o pantapal
- pangangalap ng pinakamahusay sa kalidad ng isang produkto o serbisyo sa mababang presyo
- mapagpabagong gawain sa eleksyon na nangangailangan ng isang masusing pagkilates ng mga dokumentong naglalaman ng resulta
Sino ang mga nanalo sa sawikaan 2004?
- Canvass (Randy David)
- Ukay-ukay (Delfin Tolentino)
- Tsika (Rene Boy Facunla)
- Tsugi (Rolando Tolentino)
Saan at kailan nauso ang ukay ukay?
1960 sa Baguio at Cebu
Ano ang ukay ukay?
Mga segunda manong damit na ibinenta sa murang halaga
Saan galing ang salitang ukay ukay at ano ang kahulugan nito noon?
Sa Bisaya, maghalungkat ng damit na nakatumpok sa mesa, nakatambak sa kahon o sa sako (hukay sa tagalog)
Ano ang katumbas na salita ng ukay-ukay sa english?
archive
Ano ang sinasalamin ng ukay ukay sa mga Filipino?
- Makikita ang abilidad ng mga Pilipino na madiskarte at hindi kailangang magbenta ng kaluluwa.
- Ugali ng mga Pilipino na umaasa sa swerte, sa hulog ng langit, sa mga nakaipit na dolyar o alahas sa mabibili nilang damit kaya todo hukay
Ano ang ukay-ukay pagdating sa mixed media?
mga lumang bagay o basurang napulo’t kung saan saan
Ano ang tahanang ukay ukay?
mga gamit ay halos galing sa ukay ukay
Ano ang kahulugan ng chika?
- Sa Espanyol, munti o maliit
- batang munti
- term of endearment sa mga matalik na kaibigan o pagbati o pangangamusta sa oras ng personal na pagkikita
- Sa ngayon, hindi pagseseryoso sa inaatas na mahalagang gawain
- nagbibiro tuwing gustong pawalan ng bisa ang isang nabanggit na pahayag
Kailan lumitaw ang salitang chika at ano ang kahulugan nito noon?
- Kalagitnaan ng dekada otsenta
- kwentuhan
Ano ang titulo ng programang pangyoung-adults na prinodyus ng Philippine Children’s Television Foundation, na ang prodyuser ay Batibot?
Chico Chica
Paano trinansform ng Bubble Gang ang salitang tsika noong dekada nobenta?
ginawa nila itong tsiken na may kahulugang “Joke! Joke! Joke!”
Ano ang tsikadi?
mula sa tsika na nangangahulugan palakaibigan
Ano ang pinahahalagahan sa salitang tsika o tsikadi?
pakikisama ng maayos na interpersonal na ugnayan
Ano ang sinasalamin ng salitang tsika sa mga Filipino?
nagpapakita ng pagkamalikhain ng Pilipino sa pagbuo ng bagong bokabularyo
Sino ang nagpresenta ng salitang ukay-ukay sa sawikaan?
Delfin Tolentino
Sino ang nagpresenta ng salitang tsika sa sawikaan?
Rene Boy Facunla
Sino ang nagpresenta ng salitang tsugi sa sawikaan/
Rolando Tolentino