Aralin 4 Flashcards
Ito ay bagong likhang salita na kumatawan sa isang umuusbong na uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto ng teknolohiya ng cell phone.
Jejemon
Ito ay isang repleksiyon ng umiiral na kalagayang politikal at ekonomiko ng isang subkultura sa lipunan.
Jejemon
Isa itong asersiyon ng politikal na identidad sapagkat umiinog ang mundo sa ekonomiyang kapasidad na makabili ng load at makapag-text, at makaipon ng pera para makapag-Internet at Facebook.
Jejemon
Dito lamang nagkakaroon ng politika na pagkamamamayan ang naisasantabi
direktang politikal na pakikitunggali
Ito ay nakikipaglaban sa kumbensiyon upang maiangat ang sarili.
Jejemon
Ito ay ay ginamit bilang pagtuligsa sa mga pangako ni P-Noy na mas maunlad, ligtas, at matuwid na lipunang Filipino.
Wangwang
Ito ay kinilalang emblematikong representasyon ng administrasyong Aquino at maituturing na islogan ng estilo ng pamamalakad ng Pangulo.
Wangwang
Ginamit ito ni P-Noy bilang sagisag ng tiwali, abusado, at korap na pinunò ng pamahalaan at sa kanilang gawi ng pagmamalabis sa paggamit ng awtoridad at pribilehiyo bilang opisyal.
Wangwang
Ito ay ginamit ni P-Noy bilang sagisag sa “matuwid na daan” na kontra katiwalian.
Wangwang
Ito ay panawagan sa pagbabago.
Wangwang
Sa mga “makakaliwa” ang wangwang ay _______________.
“hungkag at walang lamán”
Ito ay bagong batingaw, pag-iingay o panawagan para sa tunay na pagbabago, paggising sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa mamamayan na nakalimot sa tungkulin sa bayan.”
Wangwang
Ito ay ang pagkuha ng sariling larawan gamit ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media.
Selfie
Itinuturing na penomenal ang paglaganap ng salitang ito sa buong mundo dahoil isa itong bagong likhang salita para sa isang bagong karanasang dulot ng abanteng teknolohiya.
Selfie
Ang selfie ay unang kinilala ito sa wikang Ingles at sa katunayan ay itinanghal ding ______________________________.
Word of the Year noong 2013 ng Oxford Dictionaries.
Ipinapahiwatig nito ang adiksiyon sa mga Pilipino ang pagtutok sa social media at, isang paraan sa pagkonekta dito at sa ibang taong gumagamit din ng Facebook, Instagram, at ng iba pang katulad na social media site.
Selfie
Sino ang nagpresenta ng selfie sa sawikaan?
Noel Ferrer at Jose Javier Reyes
Sino ang nagpresenta ng salitang jejemon sa sawikaan?
Rolando Tolentino
Sino ang nagpresenta ng salitang wang wang?
David Michael San Juan
Ito ay hango sa salitang photobomb?
fotobam
Sino ang nagpresenta ng salitang fotobam?
Michael Charleston Chua
Bakit ginamit niMichael Charleston Chua ang salitang “fotobam”
- upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles
- ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong 2014 hinggil sa Torre de Manila
Ano ang ipinapahiwatig ng salitang fotobam?
Mula sa mababaw na pagsingit sa retrato ng ibang tao, ipinakita nito kung paanong ang mga awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang negosyo kaysa ang mga pamanang pangkultura ng bansa.
Ito ang nagbukas sa isyu na umabot hanggang sa media, legalidad at kataas-taasang hukuman kaugnay ng kasaysayan, kultura, at pamana na madalas hindi napag-uusapan.
pambansang photobomber “Torre de Manila”
BAKIT HINDI PHOTOBOMB O PHOTOBOMBER ANG GINAMIT?
- Una, organiko ang Fotobam, galing ito sa isang estudyante na nagkainteres sa isyu.
- Pangalawa, ang mga salita ay kailangang isa-Filipino, kailangan munang tumingin kung may katumbas sa mga wika sa Pilipinas, kung wala ay hanapan sa Wikang Espanyol.
Foto= salitang Espanyol, sa Ingles ang Photo= Foto. - Pangatlo, ang baybay na “Fotobam” ay may ambag sa pagpapayaman ng Wikang Filipino bilang wikang pang-akademiko, at pang-araw-araw.
Mula sa salitang Binisaya na toktok (“katok”) at hangyo (“pakiusap”).
tokhang
Saan nagmula ang salitang tokhang?
Mula sa salitang Binisaya na toktok (“katok”) at hangyo (“pakiusap”).
Naging mukha ng giyera kontra-droga ng rehimeng Duterte.
Tokhang
Ito ay inilunsad ni Ronald “Bato” dela Rosa habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016
Oplan Tokhang
Sino ang naglunsad ng oplan tokhang sa Davao?
Ronald “Bato” dela Rosa
Ilan ang napatay na drug suspects sa unang bugso ng Oplan Tokhang at ilan ang menor de edad?
2500 drug suspects at 54 ang menor de edad
Ito ay naging pagpatay.
Tokhang
Nagpatuloy ang pagpatay sa mga operasyong “One-Time, Big-Time”sa ilalim ng ___________ ng PNP.
Oplan Lambat-Sibat
Ito ay hindi na lamang mga kaso ng pagpaslang sa mga aktibista, opisyal ng lokal na gobyerno, at mga alagad ng midya, kundi maging sa mga biktima ng Oplan Tokhang.
EJK (extra-judicial killings)
Ito ang bansag sa mga taong payat na payat, kahit hindi gumagamit ng droga.
Tokhangable
Sino ang nagpresenta ng salitang tokhang?
Mark Angeles
Bakit makapangyarihan ng salitang tokhang/
dahil sa talim nito
Ang salitang ito ay nagresulta ng napakaraming pagtutol sa mga paglabag sa mga karapatang pantao
Tokhang
Sino ang nagpresenta ng salitang pandemya sa sawikaan 2024?
Prof. Zarina Joy Santos
Ang salitang ito ang ugat ng lahat ng mga salitang isinali sa sawikaan.
Pandemya
Ito ang pinakamalaking salita na may pinakamalalim na kahulugan at pinaka may kabuluhan
Pandemya
Kanino iginawad ang ikalawang pwesto at ikatlo sa sawikaan 2020?
- Social Distancing (Yol Jamendang)
- Contact Tracing (Romeo Pena at Gerard Concepcion)
Binago ng ___________ ang pamumuhay ng mga Pilipino ngayong taon at nagbigay-daan sa pagkauso ng online shopping, pagti-Tiktok, pagiging mga “plantito” at “plantita,” at iba pa.
“social distancing”
Sino ang nagpresenta ng blended learning sa sawikaan 2020?
Asst. Prof. Alvin Ringgo C. Reyes
“Ito ang pinakamalaking pagbabagong nasaksihan sa kabuoang pag-iral ng sistemang pang-edukasyon na ipinatupad sa pinakamabilis na panahon.”
Blended learning
Saklaw ng salita ang lahat ng limitasyon, inobasyon, maging ang emosyon ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng Covid-19 na may implikasyong mananatili kahit bumalik pa sa kani-kanilang buhay,” wika niya.
Blended learning
Sino ang nagpresenta ng salitang virus sa sawikaan?
Asst. Prof. Wennielyn F. Fajilan at Angelica Flores-Morales
Sino ang nagpresenta ng
salitang “2020” sa sawikaan?
Louie Jon Sanchez
Salita itong lalagom sa isang pangkalahatang danas na hindi pa natin lubos maisip o malirip
2020
BUOD NG MGA HINIRANG NA SALITA NG TAON
- 2004 CANVASS – Randy David
- 2005 HUWETENG- Roberto T. Añonuevo
- 2006 LOBAT- Jelson Capilos
- 2007 MISKOL- Adrian Remodo
- 2010 JEJEMON- Roland Tolentino
- WANGWANG- David Michael San Juan
- SELFIE- Noel Ferrer at Jose Javier Reyes
- FOTOBAM- Michael Charleston Chua
- TOKHANG- Mark Angeles
- PANDEMYA- Zarina Joy Santos