Aralin 5 Flashcards
1
Q
Anu-ano ang mga katangian ng mga salita ng taon?
A
- Naglalarawan sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng isang partikular na taon na kadalasan ay politikal.
- Nagtatampok sa mga kontrobersiyal na isyu ng lipunan
- Gumigising ng damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa isang problema sa lipunan. Tila isang kritikal na talasalitaang panlipunan ang lahat ng mga salitang natatampok sa sawikaan.
2
Q
Bakit nagwagi ang mga salita sa sawikaan?
A
- UNA. Inilalarawan ang isang mahalagang kasaysayan sa isang espesipikong taon;
- IKALAWA. Kontrobersiyal ang diskurso kaya’t bukambibig ng mga mamamayan; at
- IKATLO. Nanawagan ito ng isang pagbabago o solusyon sa isang malalim na problema sa lipunang Pilipino na hindi napag-uusapan