Aralin 2 Flashcards
Ito ay salitang bagong likha [Modernong Filipino, na nilapian ng sa-+ at +-an na nagpapahayag ng “sa pamamagitan ng”]
Sawikaan
Nangangahulugang pagbabanyuhay ng salita sa pamamagitan ng wika
Sawikaan
Ang sawikaan ay ang _________ ng salita sa pamamagitan ng wika.
pagbabanyuhay
Kailan nagsimula ang Sawikaan?
Noong 2004
Ano ang sawikaan bago ito naging kumperensiyang pangwika?
timpalak pangwika
Sino ang may orihinal na ideya ng Sawikaan bilang makabago at kakaibang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Perfecto T. Martin
Saang institusyon kasapi si Perfecto T. Martin?
Filipinas Institute of Translation
Ano ang nabasa ni Perfecto T. Martin na nagbigay ideya sa kanya patungkol sa sawikaan?
Word of the Year (WOTY) ng American Dialect Society (ADS)
Tuwing kailan itinataon ang Sawikaan at ano ang tawag nila dito?
Tuwing Buwan ng Wikang Pambansa na tinatawag nilang “Salita ng Taon”
Isang makabago at kakaibang paraan ng pagdiriwang ng BWP na kakaiba sa tradisyunal na sayawan, kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas, talumpati at iba pa.
Itinakda ito tuwing Agosto.
Sawikaan
Sino ang nagpangalan sa Sawikaan na naging opisyal ng patimpalak at ano ang kaniyang ipinangalan?
- Virgilo S. Almario (Rio Alma)
- Sawikaan; Salita ng Taon
Isang masinsinang talakayan sa pagpili ng pinakanatatanging salitang namayani sa diskurso ng sambayanang Pilipino sa mga nakalipas na taon.
Sawikaan
Naglalayong suriin ang mahalaga at natatanging ambag ng mga nagwaging salita sa diskursong Pilipino, partikular na sa usapin ng ugnayan ng wika at kulturang popular.
Sawikaan
Tama o Mali. Nagsimula ang Sawikaan upang subaybayan ang pag-bagsak ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan.
Mali
Pagtatangka ng FIT na likumin ang mga salitang naging laganap, gamitin o sikat sa isang tiyak na taon at pag-usapan ang gamit at pinagmulan ng mga ito
Sawikaan