Aralin 5: Tekstong Argumentatibo Flashcards
Ang sabi ng iba, kapag nakabasa ng ___________ ang isang taong walang opinyon sa isang isyu ay nagkakaroon na siya ng opinyon.
editoryal
Si _____________ ay batikang manunulat ng isang sikat na peryodiko.
Teddy Benigno
Nagsimula siya bilang manunulat ng isports, naging boksingero rin siya.
Teddy Benigno
Noong panahon ng pamamahala ng dating ____________________________, itinalaga si Teddy Benigno bilang kalihim ng press mula ____________________.
- Pangulong Corazon C. Aquino
- 1986 hanggang 1989
Si ____________________ ay isang manunulat sa peryodikong laganap sa buong bansa.
Randy David
Isa siyang respetadong kolumnista, sociologist, television host, at sumulat na rin ng maraming aklat.
Randy David
Si ________________ ay kilala sa taguring “Mareng Winnie.”
Solita Monsod
Isa siyang broadcaster, host, ekonomista, at manunulat.
Solita Monsod
Naging ikalimang direktor-heneral si Solita Monsod ng _________________________________ at kalihim ng __________________________________.
- National Economic and Development Authority (NEDA)
- Socio-economic Planning of the Philippines
Si ___________________ ay isang matapang na kolumnista at komentarista sa radyo Pinarangalan siya bilang Journalist of the year noong 2013.
Jarius Bondoc
Marami siyang mga ibinunyag na anomalya sa kanyang kolum at programa sa radyo na nagbukas ng imbestigasyon.
Jarius Bondoc
Ang __________ ay isang halimbawa ng tekstong argumentatibo.
editoryal
Pinarangalan siya bilang Journalist of the year noong 2013.
Jarius Bondoc
Ito ang uri ng tekstong tatalakayin natin sa huling aralin ng yunit na ito.
editoryal
Sa araling ito ay tatalakayin natin ang _____________________________ na naglalayon ding kumbinsihin ang mga mambabasa ngunit hindi lamang ito naka batay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyon inilatag ng manunulat.
tekstong argumentatibo
Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi - ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang _________.
logos
Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon
Tekstong Argumentatibo
Nakakahikayat dahil sa merito ng mga ebidensiya
Tekstong Argumentatibo
Obhetibo
Tekstong Argumentatibo
Nangungumbinsi batay sa opinyon
Tekstong Persuweysib
Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng may-akda
Tekstong Persuweysib
Subhetibo
Tekstong Persuweysib
Isiping ang pagsulat ng isang ___________________________ ay parang pakikipagdebate nang pagsulat na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panninindigan ay inilalatag pa rin ang mga katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.
testong argumentatibo
Hakbang sa pagsulat ng tekstong argumentatibo
- Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.
- Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito.
- Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon.
- Gumawa ng borador (draft)
- Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.
- Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.
- Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.
Ang unang talata sa paggawa ng borador.
Panimula
Ang ikalawang talata sa paggawa ng borador.
Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-daan sa paksa.
Ang ikatlong talata sa paggawa ng borador.
Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng talata kung mas maraming ebidensiya.
Ang ikaapat na talata sa paggawa ng borador.
Counterargument
Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
Counterargument
Ang ikaalimang talata sa paggawa ng borador.
Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat.
Ang ikaanim na talata sa paggawa ng borador.
Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”