ARALIN 5: PAGSULAT: COHESIVE DEVICES Flashcards
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora at katapora.
Reperensiya (Reference).
Tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.
Anapora
Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban ang mga [pangarap] mo, kesa nabigo ka nang hindi man lamang dahil sa mga [ito].
Anapora
tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.
Katapora
Kagaya ng karangalang itong ibinibigay [n’yo] sa akin. Di ko alam kung anong nagawa kong kabutihan sa [PUP] para maibigay ninyo sa akin ito.
Katapora
Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Substitusyon
Bumigay na ang aking [laptop] kaya bumili ako ng [bago.]
Substitusyon
May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Elipsis
Nagagamit ang mga __________ tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.
pang-ugnay
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak [at] ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
pang-ugnay
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
Kohesyong Leksikal
Maraming [bata] ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga [batang] ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.
Pag-uulit o repetisyon
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay [talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya].
Pag-iisa-isa
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
Pagbibigay Kahulugan
mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Kolokasyon