Aralin 4: Ang Pagsulat ng Ilang Halimbawa ng Iba’t ibang uri ng Teksto Flashcards
Ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib:
Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Kalinawan
Ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib:
Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
Katiyakan
Ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib:
May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
Diin
Ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib:
Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
Kaugnayan
Ang _____________ higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha.
SIMULA
Sa bahaging ______________naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad.
KATAWAN O PINAKAGITNA
Ang __________ ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa.
WAKAS
Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
Maingat na pagpili ng paksa
Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.
Pagpili ng sariling pananaw
Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Pagbuo ng isang pangunahing larawan:
Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
Wastong pagpili ng mga sangkap
Ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kurokuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.
Pangkaraniwan
Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.
masining na paglalarawan
Ang __________________ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
tekstong prosidyural
Ang pagsulat ng tekstong tekstong prosidyural ay binubuo ng apat na bahagi (IMME aglibot)
Inaasahan o Target na Awtput
Mga Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon