Aralin 2: Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto Flashcards
ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya’y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Halimbawa :
pambihira - katangi-tangi
Pagbibigay-kahulugan
Ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan.
Halimbawa :
Paghanga- pagmamahal
Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita
ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa :
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa.
Pagbibigay ng mga halimbawa
ito ang pagkakaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa :
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap
Ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit.
Halimbawa :
Di-maliparang uwak – malawak
Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay
Dalawang kaantasan ng Wika
Pormal at Impormal na Wika
Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Pambansa
Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Pampanitikan o Panretorika
Dalawang uri ng pormal na wika
Pambansa at Pampanitikan o Panretorika
Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Lalawigan
Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.
Kolokyal
Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Balbal
Tatlong uri ng impormal na wika
Lalawigan, Kolokyal, at Balbal
Uri ng pormal na wika:
Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)
Lalawigan
Uri ng Impormal na Wika:
Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin
Kolokyal