Aralin 3: Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto Flashcards
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Madilim na gabi, malamig na simoy ng hangin, at tahimik na kapaligiran ang nadatnan niya.
DESKRIPTIBO
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Para ma-access ang module sa asignaturang ito, sundin ang sumusunod:
Gamit ang iyong browser, pumunta sa commons.deped.gov.ph
Mag log-in bilang student.
Piliin ang Grade 11.
Piliin ang Core Subjects
I-download ang pangatlong materyal sa inyong devices.
PROSIDYURAL
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Ang Tanza ay kilala sa dati nitong pangalan na Santa Cruz de Malabon.
IMPORMATIBO
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Lapit, mga suki. Presyong Divisoria. Sampu-sampu lang
PERSWEYSIB
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Dumarami na ang biktima ng Asian-hate crime partikular na sa bansang Amerika. Sinasabing ito ay nag-ugat sa talumpati ng dati nilang pangulo na si G. Trump kung saan tinawag niyang ‘Chinese virus’ ang pinagmulan ng pandemya ngayon.
NARATIBO
Iba’t ibang uri ng
teksto:
Ang ECQ ay hindi para sa Pilipinas.
Hindi na dapat pang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine dahil paniguradong marami na naman sa ating kapwa Pilipino ang mawawalan ng trabaho lalo ang nasa industriya ng kainan o restaurant at kasabay nito ang pagdami ng magugutom sa ating bansa.
ARGUMENTATIBO
TAMA O MALI:
Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat na sinaliksik at tinaya.
TAMA
TAMA O MALI:
Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.
TAMA
TAMA O MALI:
Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o
mangumbinsi ng mambabasa.
MALI
TAMA O MALI:
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.
TAMA
TAMA O MALI:
Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging
subhetibo kung saan nagpapakita ng personal na opinyon at
paniniwala ang may akda.
TAMA
TAMA O MALI:
Ang mga tekstong argumentatibo at persuweysib ay parehong
may layuning manghikayat sa mambabasa.
TAMA
TAMA O MALI:
Ang tekstong impormatibo ay maaaring maging bahagi ng
tekstong naratibo.
MALI
TAMA O MALI:
Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate kung
saan ay layunin nitong manghikayat ng mambabasa batay sa
mga katotohanan at lohika.
TAMA
TAMA O MALI:
Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon.
TAMA