Aralin 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Flashcards
Ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
TEKSTONG IMPORMATIB
Napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp.
TEKSTONG IMPORMATIB
Ito ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
TEKSTONG DESKRIPTIB
ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama.
TEKSTONG DESKRIPTIB
Dalawang uri ng tekstong deskriptib
Deskriptib Impresyunistik at Deskriptib Teknikal
___________________ ay uri ng tekstong deskriptib na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
Deskriptib Impresyunistik
___________________ ay uri ng tekstong deskriptib na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
Deskriptib Teknikal
Ito ay naglalahad ng mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa.
TEKSTONG PERSUWEYSIB
Tatlong elemento ng tekstong persuweysib ayon kay Aristotle (EPL)
Ethos, Pathos, Logos
Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
Ethos
Salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
Logos
Salitang Griyego na tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Pathos
Ito ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa.
TEKSTONG NARATIB
Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon.
TEKSTONG NARATIB