WIKA AT KALIKASAN NG MGA PILING PANGKAT-ETNIKO NG BANSA Flashcards
Ano ang etnikong ibinahagi ni Lyd Fer Gonzales
Ang mga Kalahan ng Luzon
Ang pook na kinalalagyan ng Kalahan ay nasa matataas na lugar ng?
Acacia, Kahel, at Kayapa, Nueva Vizcaya
Mga etnikong grupo na naninirahan sa bundok ng Nueva Vizcaya
Kalahan
Ang ilang mga paniniwalang inililahad ng mga Kalahan ay nahahati sa apat: ________, ________, _________, at ____________
- Pagpapahayag ng Kalikasan
- Paggagamot
- Paggawa
- Pag-aasawa
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan) : Ang iba’t ibang anyo ng ulap ay nagpapahayag ng ________________
Kagandahan o Kasamaan ng Panahon
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan): Ang _____, ______, at ______ay nagpapahayag din ng kagandahan at kasamaan ng panahon
Langit, araw, at buwan
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan):
-Manipis o maputing ulap:_________
-Makapal at nangingitim: _________
-maganda ang panahon
-masama ang panahon
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan): mapulang-mapulang araw na nagbabadya ng di kainamang mga pangyayaring darating tulad ng _______.
lindol
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan): May mga pahiwatig din ang mga __________sa kalagayan ng panahon.
hayop
Pagpapahayag ng Kalikasan (Kalahan): Kapag _______________ (lalo kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay maaaring may dumating na bagyo o lindol.
hindi mapakali
Paggagamot (Kalahan): Walang mga paggamot na damu-damo ang mga katutubo rito. May tinatawag silang _________________ na siyang tumutuklas kung sino ang sanhi ng karamdaman at kung paano magagamot ang karamdamang iyon
tagapamagitan
Paggagamot (Kalahan): Ang tagapamagitan ay gumagamit ng gadangkal na tambo na may buto ng anongya sa magkabilang butas. Tinatawag ito na _________.
dinagen
Paggagamot (Kalahan): Sino ang bathalang dinadasalan ng mga tagapamagitan upang patnubayan ang kanilang gagawin?
Kabigat at Bugan
Proseso ng paggagamot ng mga Kalahan
- nagdarasal ang matandang gagamot (maari ring bata pa kung mayroon itong dinagen) kina Kabigat at Bugan na kanilang mga Bathala upang patnubayan siya sa kanyang gagawin.
- Naniniwala kasi sila na may nais ang espiritu ng mga namatay nilang kamag-anak kaya pinagkasakit ang isa sa kanila. Isa-isang bibigkasin ang pangalan ng mga kamag-anak ng maysakit. Sa bawat pagbigkas ng pangalan na pinaghihinalaan, dinadangkal ang dinagen o iyong tambo.
- Kapag sa pagdangkal ay lapat lamang sa dangkal ng tambo ang kasagutan ay oo; kapag lagpas o kulang, ang kasagutan ay hindi.
- Pagkatapos malaman kung sino ang dahilan ng pagkakasakit ng ginagamot, isusunod naming itatanong kung ano ang kailangan. Iisa-isahin din ang mga bagay na inaakalang kailangan ng namatay na kamag-anak.
- Gagamitian din ng dinagen. Pag natukoy na ang kailangan nito, ihahandog na nila sa espiritu upang gumaling ang maysakit. Naniniwala silang may mga espiritu ang mga bagay kaya pagkatapos ng pag-aalay ay maaari nilang gamitin ang inilagay dahil nakuha na ang espiritu noon.
Paggawa (kalahan): Ang mga lalaki ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos na sila’y ____________, ___________, at _______________
-makapagbakod,
-makapagbungkal
-makapag-araro
Paggawa (Kalahan): Ang kababaihan ang _____________, ________________, at mag-aani. Kahit na nga raw may sakit ang babae. Kailangan gampanan ang kanyang tungkulin habang ang asawa’y namamahinga na lamang.
-magtatanim
-mag-aalaga ng pananim
-mag-aani
Proseso ng Kimbal na Kasalan
- Kukuha ng isang basong tubig malamig ang matandang babaing magkakasal at sasabihing “sana’y maging malamig ang pagsasama ninyo.
- Pinaiinom ng babae ang ikinakasal at tapos na ang seremonya. Matandang babae o batang lalaki ang nagkakasal dahil may pakahulugan daw iyon.
- Matandang babae dahil ang nasa bahay at batang lalaki dahil lumalaki pa iyon na siyang nagsasaad naman ng paghaba ng pagsasamahan ng mag-asawa. Kapag nagsama naman ng hindi pa kasal kailangang magdasal muna bago pakasal sapagka’t kung hindi’y magkakaroon ng bukol, ulser, o pigsa ang mag-asawa.
Pag-aasawa (Kalahan): Ito’y kung may makitang babae ang isang lalaki na ninanais na niyang maging asawa, humahanap siya ng taong siyang magsasabi ng intesnsiyon niya sa babae. Kapag pumayag ang babae sa kanyang inuluhog, magpapatay na sila ng baboy.
Kimbal na Kasalan
Ang wika ng mga Kalahan ay ___________
Kallahan
May mga dayalekto din ang Kalahan, ito ay ang _____________ o __________.
Tinoc o Kalangayo.