KULTURA AT WIKA Flashcards
ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng angking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wikang hindi lamang daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng alinmang kultura
Salazar, Zeus A
walang kulturang hindi dala ng isang wika bilang sanligan at kaluluwa na siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay—diwa sa kulturang ito.
Salazar, Zeus A (Mula sa aklat ni Pamela Constantino -1996)
Ang kalinangan na may salitang ugat na ?
- linang (cultivate)
- linangin (to develop/to cultivate)
ang kalinangan o kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao
Timbreza, 2008
Ang salitang kultura ay katumbas ng salitang
kalinangan
Ama ng Antropolohiya
Edward Burnett Tylor
Malalaman na may kakaibang kultura ang ibang tao sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-unawa sa kanilang ____________, _____________, at ______________.
-pananalita,
-kilos
-damdamin
ang kultura ay lahat ng natututunang beheybyur at resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutunan niya na tinatawag na cognition
Antropolohista
ang pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbigay patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa ibang tao.
cognition
ang kultura ay isang organisasyong penomena na sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman), at sentiment (karakter/kilos at valyu).
Leslie A. White
ang kultura ay ginagamit para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihan tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literatura at sa sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista.
Donna M. Gallaick, et al (2009)
Ang __________ ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang umiimpluwensiya sa ating kaalaman, paniniwala at valyu. Ito ang nagbibigay- kahulugan at nagdedetermina sa paraan ng ating pag-iisip, damdamin at pag-uugali.
kultura
ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/ valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan
Edward Burnett Tylor
Ang kultura ay socially achieved knowledge.
Hudson (1980)
Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and patterns for behavior (designed for that life).
Wardgoodenough
Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isangt takdang panahon ng isang lahi o mga tao.
Timbreza (2008).
Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya inaalagan, pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit at atbp. ay isang proseso ng kulturang natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya.
Learned/ Natutunan
dalawang proseso ng pag-interact o pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan
-Enculturation
-Socialization
KATANGIAN NG KULTURA
- Learned/Natutunan
- Shared/ Ibinibahagi
- Culture is adaptation/ naaadap
- Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago
Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas magaling pa siya sa wika, gawing, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng nasabing kultura.
Enculturation
Ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal sa pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura.
Socialization
Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.
Shared/ ibinabahagi
Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses.
Culture is adaptation/ naaadap
Tulad ng wika may mga kultura na mabilis ang pagbabago at mayroon din namang hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng buhok/ gupit, atbp. ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking pagbabago sa kultura.
Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago
tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin.
valyu
Ang Valyu ay naiimpluwensiyaha ng ________
restige (kapangyarihan)
istatus, pride, family loyalty, love of country, religious belief and honor.
prestige (kapangyarihan)
Ang ____________ ay magkakaiba sa iba’t ibang kultura
Status symbol