TEORYA NG WIKA Flashcards
-Pinakamatandang lahi
-pinakamatandang Wika
Egyptian
Sino ang pinaniniwalaang manlilikha ng wika ng mga Egyptian?
Haring Thot
Sino ang nagbigay ng wika at kapangyarihan sa mga chinese?
Tien-zu (Sun of Heaven)
Nagbigay ng wika sa Japan
Amaterasu
Nagbigay ng wika sa babylonians
god Nabu
Nagbigay ng wika sa mga Hindu
Saravasti (babaeng diyos)
Sino ang asawa ni Saravasti/Sarawasti/Saraswati/Sarasvati?
Brahma (tagapaglikha ng mundo ayon sa mga hindu)
Ang pagkakaroon ng isang wika ay pinaniniwalaang biyaya ng Diyos na naging dahilan ng pagkakaunawaan ng lahat ng tao. Nagtayo ang mga sinaunang tao ng tore upang higitan ang Diyos at pagtibayin ang kanilang pagsasama. Ngunit ito ay sinira ng Diyos at doon nagkawatak-watak ang lahat at sumibol ang iba’t ibang klase ng wika
Tore ng Babel
nagsasabi na maaaring ang wika ng tao ay nagmula sa tunog ng kalikasan. Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa bokabularyong magagamit, naging batayan ng mga primitibong tao ang tunog ng kalikasan
Teoryang Bow-wow
Ang teoryang ito ay hindi nalalayo sa teoryang bow-wow. Ngunit paniniwala ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa iba’t ibang klase ng tunog sa paligid, hindi ito limitado sa kalikasan lamang ngunit maging sa mga bagay-bagay at pangkalahatan
teoryang Ding-dong
Ayon sa teoryang ito na ang mga tao ay natutong magsalita ng hindi sinasadya. Bunga ng mga masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, gulat, takot at iba pa ay hindi sinasadyang napabulaslas ang mga tao na naging simula ng isa uri ng wika
Teoryang Pooh-pooh
Ang teoryang ito, na kahawig ng teoryang “Ta-ta,” ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa mga bagay na nangangailangan ng aksyon sa pamamagitan ng mga kumpas ng katawan. Ang mga kumpas na ito, ayon sa teorya, ay sinasabing nakatulong sa pagbuo ng mga tunog na ginawa sa pamamagitan ng paggalaw ng bibig at posisyon ng dila, na kalaunan ay naging batayan ng wika
teoryang Yum-yum
ang wika ay nagmula sa mga kumpas o galaw ng kamay na ginagawa ng tao sa bawat partikular na okasyon. Ipinapalagay na ang mga galaw na ito ay ginaya ng dila, na naging sanhi ng pagkatuto ng tao upang lumikha ng mga tunog na kalaunan ay nagbunga ng kakayahang makapagsalita.
Teoryang Ta-ta
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
Teoryang Yo-he-ho
ay nagmumungkahi na ang wika ay nagmula sa mga ritwal at seremonyal na awit, sayaw, at mga sigaw na ginagawa ng mga sinaunang tao. Ayon sa teoryang ito, ang mga tunog, chant, at ritwal na ginagamit sa mga seremonya o okasyong pang-relihiyon, pagdiriwang, o panlipunang aktibidad ay unti-unting nagbago upang maging mga salita at sa kalaunan, isang sistematikong wika.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Sino ang Hari ng Egypt na gumawa ng eksperimento kung paano nga ba nakakapagsalita ang tao?
Haring Psammitichos
Haring Psammtichos: may dalawang _______ siyang pinalaki sa kweba at mahigpit na ipinagutos na hindi dapat makarinig ng anumang salita.
Sanggol
Ano ang unang salitang nabanggit ng dalawang bata at ano ang ibig sabihin ng salita?
Bekos (tinapay)
Sa maikling salita ang teorya ni Haring Psammatichos ay nagsasabing ang tao kahit hindi turuan ay kusang natuto dahil sa matinding ___________.
Pangagailangan
isinasaad ng teoryang ito na ang kilos at gawi ng tao ay napag-aaralan sa pamamagitan ng pagkontrol sa kapaligiran. Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng conditioning, reinforcement at punishment.
Teoryang Behaviorism
Sino ang proponent ng Teoryang Behaviorism?
Burrhus Frederic Skinner
Pinaniniwalaan na ang bawat isa ay may likas na kakayahang matuto simula pagkabata. Sinasabing likas sa bata ang matuto ng linggwistikong katangian ng wika.
Teoryang Innatism
Sino ang proponent ng Teoryang Innatism
Noam Chomsky
Natutunan ang wika sa pamamagitan ng kakayahan sa pag-iisip. Sinasaad din ng teoryang ito na mas madaling matutunan ng isang bata ang pagsasalita kung nauunawaan nito ang mga konseptong nakalatad sa kanyang kapaligiran.
Teoryang Kognitib
Ayon sa teoryang ito na mapapabilis ang pagkatuto ng wika ng isang tao kung may positibong saluobin ang isang tao na matutunan ito.
Teoryang Makatao
Sino ang proponent ng teoryang kognitib?
Jean Pignet
_____ ay ang pag-aaral ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pag-aaral ng buhay panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika.
Sosyolinggwistika