Wika Flashcards
Ito ay nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa
Wika
Ama ng wika
Manuel L. Quezon
Letrang nagsisimbolo sa mga hiram na salita at katutubong wika
F
Wika na ginagamit ng Pilipinas
Filipino
Tawag sa mga tao
Pilipino
Tumutukoy sa lokasyon o lugar kung saan nagkaroon ng baryasyon ang wika
Dimensiyong heograpiko
Tumutukoy sa pakikisalamuha ng tao sa iba pang pangkat ng tao
Dimensiyong sosyal
Tumutukoy sa pag-aaral ng wika at kung paano ito nabuo sa partikular na lipunan
Sosyolingguwistika
BARAYTING PERMANENTE:
Wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Taglay din nito ang natatanging punto, tono, o katawagan sa mga partikular na bagay. Halimbawa: Ibanag, Ilocano, Pampango, Pangasinan, Bicolano, Aklanon, Kiniray-a, Capiznon, Cebuano, Surigaonon, Tausug, Chavacano, Davaoeño, at T’boli
Diyalekto
Bilang ng diyalekto na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa
400
BARAYTING PERMANENTE:
Indibidwal ang paggamit ng wika. Malaki ang impluwensiya ng taong nagsasalita sa paraan ng pagpapahayag nito. Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paraan kung paano magsalita. Halimbawa: Ted Failon, Mike Enriquez, Rey Langit, Gus Abelgas, at Jessica Sojo
Idyolek
BARAYTING PANSAMANTALA:
Ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa: “Lafang na tayo, Tom Jones na ako teh.”
Sosyolek
BARAYTING PANSAMANTALA:
Ito ay barayti ng wikang ginagamit sa isang partikular na larangan. Iba-iba ang terminong ginagamit sa mga pangkat, propesiyon, o gawain. Halimbawa: Betamax, adidas, isaw, kikiam - street vendor
Register
BARAYTING PANSAMANTALA:
Ang tawag sa barayti ng wika na pinagsama-sama o pinaghalo-halo ng isang dayuhan ang kaniyang wika at ang wika ng lugar na kaniyang pinuntahan. Halimbawa: Halikayo, bili tinda akin. Ito mura
Pidgin
BARAYTING PANSAMANTALA:
Isang wikang unang naging pidgin at sa katagalan ay naging likas na wika ng partikular na komunidad. Halimbawa: “Donde ya anda de bostata?” - “Saan pumunta ang tatay mo?”
Creole