Sanaysay Flashcards
Panitikang tuluyan at nahahati sa 3 bahagi: simula/introduksyon, gitna/katawan, konklusyon
Sanaysay
Paraan sa Paghahanda ng Sanaysay
- Paksa o Tema
- Pangangalap ng impormasyon tungkol sa paksa
- Pagbuo ng balangkas o draft
- Pagrerebisa
Uri ng Sanaysay
- Liham
- Editoryal
- Photo essay
- Dokumentaryo
Elemento at sangkap ng sanaysay
- Tema o Paksa/Pamagat
- Wika
- Karanasan
- Istilo
- Emosyon o Himig
Alamat at kwento na kathang isip lamang
Mito
Ito ang mitong tumatalakay kung paano nalikha ang daigdig at ang mga nilalang na narito. Ipinapaliwanag nito kung paanong sa matinding kadiliman ay nilalang ng isang diyos ang mundo
Mito ng Paglikha
Ito ang mitong tumatalakay kung paano naisaayos ang mundo, ang kalangitan, ang karagatan, at ang daigdig ng mga patay. Ipinapaliwanag din nito ang pinagmulan at pag-iral ng araw, buwan, mga bituin, at iba pang bagay sa kalawakan
Mito ng Pagsasaayos
Ito ang mitong tumatalakay kung paano nalalang ang tao. Isang halimbawa nito ay ang paglikha umano sa tao mula sa putik
Mito sa Pinanggalingan ng Tao
Tinatalakay ng mitong ito ang hindi pagiging masaya ng mga diyos sa unang salinlahi ng taong kanilang nalikha. Isang malaking baha ang ipinadala nila sa daigdig upang lipulin ang salinlahing iyon
Mito ng Baha
Ipinakikita ng mitong ito ang malaparaisong buhay ng tao na nawawasak dahil sa kagagawan ng isang maysala. Isang halimbawa nito ang “Kahon ni Pandora” sa mitolohiyang Griyego
Mito ng Sakit at Kamatayan
Ipinapaliwanag ng mitong ito ang kinahihinatnan ng kaluluwa ng tao pagkatapos ng kamatayan. Salig ito sa paniniwala na nananatiling buhay ang espiritu kahit mamatay ang katawan
Mito ng Kabilang Buhay
Tinatalakay ng mitong ito ang pakikipagsapalaran ng mga pambihirang nilalang, gaya ng mga diyos at diyosa at iba pang nilikha na may kakaibang kapangyarihan. Kasama rin dito ang mga kuwento ng pagsasanib puwersa ng mga diyos at ng tao upang labanan ang puwersa ng kasamaan
Mito ng mga Pambihirang Nilalang
Tinatalakay ng mitong ito kung paano magwawakas ang daigdig sa hinaharap. Ito ang siyang tunay na wakas, kaiba sa mga dati nang wakas na ipinakita ng paglipol sa tao sa pamamagitan ng baha
Mito ng Paggunaw ng Mundo
Nilalaman ng mitong ito ang pagkatuklas ng tao ng kaalaman o kasanayan na tumulong sa kaniya upang mamuhay bilang tao at hindi hayop. Karaniwan, tinutulungan sila ng mga diyos na makamit ang gayong pagbabago, gaya ng kuwento ng isang diyos na nagnakaw ng apoy upang ibigay ito sa tao
Mito ng Pagsibol ng Sibilisayon
Tinatalakay ng mitong ito ang mga simulain ng mga dakilang bagay na naitatag o nagawa ng tao, gaya ng isang imperyo. Ipinapaliwanag din nito kung bakit kinailangan nilang itaguyod ang gayong bagay
Mito ng Pagtatatag