Pagsasalin Flashcards
Paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika. Ito ay isang proseso ng paglilipat sa pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin
Pagsasaling-wika
4 na Kahalagahan ng Pagsasalin
- Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda
- Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon
- Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ilang tao
- Higit na nagkakaunawaan at nagkakadamahan ng kanilang interaksyon ang dalawa o higit pang bansa dahil sa pagsasalin
5 Kahingian ng Pagsasalin
- Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
- Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
- Sapat na kaalaman sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
- Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
- Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Hindi ginagamitan ng ay
Karaniwang ayos
Gumagamit ng ay
Di-karaniwang ayos
Gamit ng Ng at Nang
Ng- bagay, nagpapakilala
Nang- noong, pamamaraan, “na-ang”, inuulit, upang
Gamit ng Daw/Raw, Rin/Din
Raw/Rin- a,e,i,o,u at w, y
Daw/Din - katinig
Gamit ng Kung/Kong
Kung- sanhi at bunga
Kong- ako (pansarili)
Gamit ng Pinto/Pintuan
Pinto- yung sinasara
Pintuan - lagusan
Gamit ng Pahirin/Pahiran
Pahirin-aalisin
Pahiran- lalagyan
Gamit ng Sundin/Sundan
Sundin- to obey
Sundan - to follow
Gamit ng Subukin/Subukan
Subukin- to try
Subukan- to spy
Isang naratibong pinanatiling mahaba na base sa sinasambit o inuusal na tradisyon. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay na ang pinapaksa ay hinggil sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang tao, lahi, o bansa
Epiko
8 Katangian ng Epiko
- Ang pakikipagsapalaran o pag-alis ng pangunahing tauhan sa kaniyang bayan
- Ang pagkawala at paghahanap ng bayani sa kaniyang minamahal
- Ang pakikipagtunggali o pakikibaka ng bayani sa mga hindi pangkaraniwan o mga kagila-gilalas na kalaban
- Ang pagtataglay ng isang mahiwagang bagay o agimat ng bayani na maaaring makatulong sa pagpuksa ng kaaway
- Ang pamamagitang ginagawa ng isang bathala upang masawata ang digmaan
- Ang pagkamatay ng bayani at ang muli niyang pagkabuhay
- Ang matagumpay na pagbabalik ng bayani sa sariling bayan
- Ang pag-aasawa ng bayani at ang kanilang pamumuno sa kanilang bayan
Bilang anyo naman ng panitikan ang epiko ay: (5)
- Gumagamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
- May mga inuulit na salita o parirala
- Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
- May kasaganaan ng mga imahen at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan
- Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kaniyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kaniyang paghahanap sa kaniyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa