Batas Rizal Flashcards
Itinatakda dito ang pag-aaral ng buhay, mga gawa, at mga akda ni Dr. Jose Rizal
Batas ng Republika 1425/ Batas Rizal
Siya ang nag-akda ng Batas Rizal
Senador Claro M. Recto
Dating pangulo ng Catholic Action na tumutol sa Batas Rizal
Decoroso Rosales
Petsa kung kailan ipinagtibay ang Batas Rizal
Hunyo 12, 1956
Petsa kung kailan ipinatupad ang Batas Rizal
Agosto 16, 1956
Ang batas ay binubuo ng mga sumusunod na probisyon: Seksyon 1 - Seksyon 2 - Seksyon 3 - Seksyon 4 - Seksyon 5 - Seksyon 6 -
Seksiyon 1 - Dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo, at unibersidad, publiko man o pribado, ang pag-aaral ng buhay, mga gawa, at mga akda ni Rizal, lalo na ang kaniyang mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo.
Seksiyon 2 - Ang lahat ng paaralan, kolehiyo, o unibersidad ay obligadong magkaroon sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na kopya ng orihinal o di binagong edisyon ng Noli at El Fili, gayundin ng iba pang gawa at talambuhay ni Rizal.
Seksiyon 3 - Dapat simulan ng Board of National Education ang pagsasalin sa Ingles, Tagalog, at iba pang pangunahing wika sa bansa ng Noli at El Fili; ang paglilimbag ng mga ito sa edisyong mura at mabibili ng marami; at pamamahagi ng mga ito nang libre sa mga taong naghahangad na mabasa ang mga ito.
Seksiyon 4 - Walang bahagi ng batas na ito ang dapat isipin na nagpapabago o nagpapawalang-bisa sa Seksiyon 927 ng Kodigo Administratibo na nagbabawal sa mga publikong guro o sinumang nagtatrabaho sa mga publikong paaralan na mangaral sa publiko nang tungkol sa relihiyon
Seksiyon 5 - Ipinapahintulot ang paglalaan ng halagang tatlong daang libong piso mula sa anumang pondo ng bayan na hindi pa nagagamit upang ipatupad ang mga layunin ng batas na ito
Seksiyon 6 - Magkakabisa ang batas na ito sa sandaling ito’y sang-ayunan