Week 6 Characters Flashcards
bugtong na anak ni Don Rafael na binatang nag-aral sa Europa , nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego. Siya ang kababata at kasintahan ni Maria Clara.
Crisostomo Ibarra
anak nina Donya Pia Alba at Kapitan Tiyago, mayumi at matapat na kasintahan ni Ibarra, Mutya ng San Diego.
Maria Clara
mahiwagang bangkero na nagligtas kay Ibarra sa mga kapahamakan, may napakalungkot siyang kahapon , kasintahan ni Salome.
Elias
Ama ni Crisostomo, nakainggitan nang labis ni Padre Damaso Dahilan sa yaman kung kaya ay nataguriang erehe.
Don Rafael Ibarra
mangangalakal na taga- Binondo, kinikilalang ama ni Maria Clara. Iniisip ang sarili na isa na ring Kastila.
Kapitan Tiyago
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego. Siya ang susi ng mahiwagang buhay ni Maria Clara at ng kabiguan ni Crisostomo Ibarra.
Padre Damaso
Isang Paring Pransiskano na pumalit kay pari Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Nasa kanya ang mga liham na maglalantad sa tunay na pagkatao ni Maria Clara na siyang ginamit para sirain ang pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra.
Padre Salvi
Paring Dominikano, bata pa, dating propesor at kura sa Binondo, kabaligtaran siya sa pagkatao ni Padre Damaso .
Padre Sibyla
isa siyang matandang palaisip, maalam na tagapayo ng mga marurunong na mamamayan ng San Diego. Inaakala ng mga tao na siya ay isa na ring baliw.
Pilosopong Tasyo
Isang masintahing ina nina Basilio at Crispin, nabaliw dahil sa hirap ng kalooban sa nangyari sa kanyang mga anak. Ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupi.
Sisa
panganay na anak ni Sisa, sakristan at tagatugtog ng kampana sa bayan ng San Diego. Sa bisig ng bata namatay ang ina.
Basilio
batang kapatid ni Basilio, pinagbintangan siya ng kura na nagnakaw at may pahiwatig na namatay sa loob ng kumbento.
Crispin
butihing tiyahin ni Maria Clara, maalalahanin siya at laging tagapayo ng pamangkin .
Tiya Isabel
ang opisyal na militar na siyang nakaaalam sa pagkamatay ni Don Rafael Ibarra , ang ama ni Crisostomo .
Tinyente Guevarra
ang pinakamataas na punong Kastila na kumakatawan sa pamahalaang Espanyol. Siya ang lumakad na maalisan ng pagkaeskomulgado ni Ibarra.
Kapitan Heneral
kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego, makapangyarihang opisyal na kinatawan ng gobyernong espanyol sa San Diego.
Alperes
Umaastang Espanyol kaya nagiging katawa-tawa ang ayos at pananalita. Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya ay abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
Donya Victorina