Week 1 Flashcards
ama ng pambansang wika at siya rin ang unang presidente ng komonwelt ng Pilipinas.
Manuel L. Quezon
siya ang nauna sa pagtatag ng surian ng wikang pambansa na tutukoy sa magiging batayan ng wika ng Pilipinas.
Manuel L. Quezon
kauna-unahang pangulo ng surian ng wikang pambansa (SWP) at nagtagal sa kanyang pwesto ng apat na taon.
Jayme De Vera
sumulat ng artikulo tungkol sa mga katanungan sa mga nag-aalinlangan at tumututol sa tagalog bilang batayan ng pambansang wika kung saan ay nalathala ito sa “The Tribune” noong December 30, 1939.
Jayme De Vera
ama ng bariralang Filipino
Lope K. Santos
inanunsyong bagong pangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) noong Disyembre 5,2020.
Arthur P. Casanova
unang tawag sa surian na mangangasiwa sa pagtukoy ng batayan ng pambansang wika ng Pilipinas na nakasalig sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa pambansa.
Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
si Norberto Romualez na taga-Leyte ang sumulat ng batas ng Komonwelt Blg. na nagtatag ng _______
Surian ng Wikang Pambansa
ipinalit na pngalan sa Surian ng Wikang Pambansa matapos lagdaan ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino noong 1987 ang Atas Tagapagpaganap (Executive Order) Blg.177
Linangan ng mga Wika sa PIlipinas (LWP)
naitatag noong Agosto 14,1991 matapos maipasa ang Batas Republika 104, apat na taon matapos matatag ang LWP.
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
ito ang ahensyang makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano patakaran at gawain hingil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa.
Komisyon ng Wikangn Filipino
hango ito sa salitang Frances na “essayer” na nangunguluhugang “sumubok” sapagkat ang paggawa ng _____ ay isang mapanubok na gawain
sanaysay
isa syang manunulat na prances na napatanyag sa pagsulat ng sanaysay lalo na noong kanyang kapanahunan. Isinulat nya ang koleksyon ng maikli ngunit kasiya-siyang mga komposisyon na pinamagatang Essais na may saling “pagtatangka” sa filipino.
Michael de Montaigne
kinilala sya bilang “ama ng sanaysay sa wikang ingles” dulot na rin ng kanyang kahusayan sa paglalahad ng saloobin na punong-puno ng buhay. Isa sa kanyang tanyag na sulatin ay ang “Of Studies” na tumatalakay sa edukasyon.
Frances Bacon
batay sa ilang sulatin, kinilala sya bilang “Ama ng Sanaysay sa Pilipinas” dahil na rin sa angking husay sa pagsusulat ng sanaysay sa Filipino.
Alejandro Abadilla
ititnuturi din sya bilang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog” dahil sa kanyang paninindigan laban sa nakabihasnang tradisyonal na na pagsulat ng tula.
Alejandro Abadilla
mga sulating makikita sa mga pahayagan o dyaryo tulad ng mga artikulo, natatanging pitak, lathalain at tudling o editoryal.
Pampamahayagan
mga sulating pormal o pampaaralan tulad ng mga papel pananaliksik, talumpati at panunuring pampanitikan.
Akdang Pandalub-aral
ito ay may kaugnayan sa paksang iniikutan ng sanaysay na may kaugnayan sa buhay ng isang tao dahilan upang kapupulutan ng aral.
Tema at Nilalaman
tumutukoy ito sa paraan ng pagkakasaad sa nilalaman ng isang sanaysay na maaring paglalahad,pagsasalaysay, pangangatwiran at, at paglalarawan.
Anyo at Istraktura