Week 6 Flashcards
ay naglalahad ng mga bagay , damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag at mga bagay na mahiwaga.
simbolismo
Ito rin ay ay paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit nito.
simbolismo
Ito rin ay pananda na nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito.
simbolismo
ay isang nobelang naglalahad ng mga paghihirap ng mga kababayan sa ilalim ng mga Kastila . Ito rin ang nagmulat sa mga Pilipino upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.
Noli Mi Tangere
ANG PABALAT ng NOLI ME TANGERE ay idinisenyo mismo ni __________ para sa kanyang nobela.
Dr Jose Rizal
Ang katagang “Noli me Tangere” na nangangahulugang ________ ay nagpapahiwatig ng isang babala sa maaaring mangyari sa buhay ng mambabasa noong panahon ng Kastila.
“Huwag mo akong Salingin”
Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon kaagad ng ______________ ang kanyang mga mababasa ukol sa nilalaman ng nobela.
paunang pagkaunawa
Pansinin ang PAMAGAT ay nasa ______ ng pabalat
GITNA
binubuo ng lugar ng palimbagan (Berlin). Sumisimbolo ito sa makulay na koneksiyon ng lalawigan sa mayamang koleksiyon nito ng materyales tungkol sa Pilipinas.
BAHAGI NG MANUSKRITO
ay walang iba kung hindi ang inang bayan. Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya sa paghahandog sa nobela . Ang “A Mi Patria”(Beloved Country) na malapit sa ulo ng babae ay walang iba kundi ang Inang Bayan.
ULO NG BABAE
simbolo ito sa relihiyosidad ng malaking bilang ng mga Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng lahat ng mga bagay. Simbolo rin ito sa malawak na impluwensiya nito sa bansa at paghahari nito sa isipan ng mga Pilipino.
krus
sumisimbolo sa pagpapakalinis at pagpapakabango ng mga Pilipino na isa sa mga kakayahan nito .
SUPANG NG KALAMANSI
Ugnayan ng Supang ng Kalamansi at Krus
Ang paglalagay ni Rizal supang ng kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo ng kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. Itinabi niya iyon sa krus para ipahiwatig ang kawalan ng kalinisan sa paggamit ng katolisismo ng mga kastila. Ito ay upang gamiting hamon sa pagbabago.
ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan.
ANG DAHON NG LAUREL
nagpapahiwatig ng korona ay sumisimbolo ito sa pagpapakatalino at pagpapakahusay ng mga kabataan at mamamayang Pilipino tulad ng ginawa noong matandang sibilisasyong kanluranin.
ANG DAHON NG LAUREL