Week 2 Flashcards
ito isang gawain na muling pagtuklas sa dati nang natuklasan at pagtuklas ng bago sa mga naunang tuklas
pananaliksik
ipinapahiwatig nito ang isang tunay na mananaliksik ay responsable at nagpapahalaga sa kanyang mga ginagawa, mula sa pangangalap ng datos hanggang sa matapos ang saliksik (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
May pagpapahalaga sa gawaing pananaliksik
Tumutukoy ito sa maayos na pagsasagawa ng pananaliksk mula sa pangangalap ng datos, pagsulat ng burador o pinal na gawain, at pag-uugnay ng mga kaisipang nais ilahad sa pananaliksik.
Mahusay sa gawain
Tumutukoy ito sa katangian ng mananaliksik na sumusunod nang maayos sa proseso ng pagsasagawa at pagbubuo ng isang Papel Pananaliksik, ganoon din ang pagiging mahiligin ng tao sa mga eksperimento. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Siyentipiko
Binigyang-diin dito ang kakayahan ng isang mananaliksik sa mabisang paghahayag at pag-aanalisa sa mga natuklasang kaalaman o konsepto. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Mabisa
Ipinapakahulugan nito na bilang isang mananaliksik, mahalagang nauuna ang pagsagawa at pagtapos ng Papel Pananaliksik bago ang ilang bagay na hindi makabuluhan tulad ng pagliliwaliw.
(10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Aktibo
Masasalamin dito ang katangian ng isang tao na makahanap ng solusyon o alternatibong pagkilos upang maisagawa ang isang aktibidad nang hindi lumalabag sa karapatang pantao at sa batas.(10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Maparaan
Tumutukoy ito hindi lamang sa kakayahan ng mananaliksik na makapili ng mga wastong pananalita sa tinatalakay, at pagsulat nang may wastong organisasyon kundi maging ang kakayahan nito na maging inobatibo sa ginagawa. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Malikhain
Ang isang mahusay na mananaliksik ay kumikilala sa kanyang mga pinaghalawan ng impormasyon, at inilalahad ang tunay na resulta ng pag-aaral negatibo man ang mga nito. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Tapat
Binigyang-diin dito ng katangian ng isang mananaliksik na hindi mapag-aksaya sa oras at pera, dahilan kung bakit sinisigurado muna niya ang katiyakan ng kanyang mga sasadyaing tao o lugar, at iniiwasan n’ya rin ang mga hindi makabuluhang paggastos habang pumupunta sa mga mapagkukunan ng datos. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Matipid
Ito ay hindi lamang pumapatungkol sa likas na pagiging relihiyoso ng isang tao kundi lalong higit sa kanyang debosyon na maisagawa at matapos ang isang pag-aaral o pananaliksik. (10 katangian ng isang mahuisay na mananaliksik ayon sa Research Method.org)
Relihiyoso
Tumutukoy ito sa pagiging palaisip ng isang tao at kanyang kahandaan na magsagawa ng malalimang pagsusuri hinggil sa mga bagay-bagay.
Sumasalamin din ito sa maingat na pagbuo ng konklusyon matapos ang masusing imbestigasyon sa isinasagawang pananaliksik.(limang kalikasan ng mananaliksik ayon sa datos ng Research method (n.d.))
Mausisa
Binibigyang-diin dito ang maingat sa pagbuo ng mga desisyon ng isang mananaliksik, maging ang kanyang maingat na pag-aaral sa mga datos at resulta ng pagsusuri bago magbigay ng pinal na konklusyon.(limang kalikasan ng mananaliksik ayon sa datos ng Research method (n.d.))
Mabuting Pagpapasya
Nagpapakita ito sa hindi agad-agad na pagtanggap ng mananaliksik sa kanyang natuklasan sa pag-aaral; bagkus ay nagbibigay siya ng puwang sa maaaring kahinaan o kawalan ng validity ng resulta ng mga datos.
Sumasalamin ito sa pagiging maingat ng mananaliksik sa pangangalap ng mga datos upang makatiyak sa resulta at sa higit na ikabubuti ng pag-aaral.
(limang kalikasan ng mananaliksik ayon sa datos ng Research method (n.d.))
Kritisismong Pagpapasya
Ipinahihiwatig dito ang patuloy na pag-iisip at paglikha ng mga panibagong pag-aaral ng isang mananaliksik.
Nangangahulugan ito na para sa isang mananaliksik, hudyat ng bagong pagsisimula ng pag-aaral ang katapusan ng mga naunang saliksik.
(limang kalikasan ng mananaliksik ayon sa datos ng Research method (n.d.))
Malikhaing pag-iisip
Ipinapakita rito ang katapatan ng mananaliksik mula sa pangangalap ng datos, interpretasyon ng resulta hanggang sa presentasyon ng kinalabasan ng kanyang isinagawang pananaliksik.
(limang kalikasan ng mananaliksik ayon sa datos ng Research method (n.d.))
May katapatang Itelektwal
Masasalamin dito na kahit ulitin ang isinagawang pag-aaral gamit ang parehong pamamaraan ay magiging magkatulad pa rin ang resulta.
Ipinapaalala sa katangian na ito na kapag pabago-bago ang resulta ng pananaliksik, tanda ito na hindi lubusang mapagkakatiwalaan ang pag-aaral, at mainam na makabuo ng ibang pamamaraan ng pagsasagawa nito.(walong (8) katangian na dapat taglayin ng isang mahusay at katanggap-tanggap na pananaliksik ayon sa datos ng Research methodology (n.d.))
Mapagkakatiwalaan
Tumutukoy ito sa pagiging tama o mali ng resulta ng ginawang pananaliksik.
Ito ang nagtitiyak sa kapakinabangan ng pananaliksik sapagkat maaaring maging mabisa nga ang instrumento ng pananaliksik ngunit sa uri ng pananaliksik na isinagawa ay hindi ito angkop.
Itinuturing ng marami na magkaugnay ang validity at pagiging mapagkakatiwalaan ng pananaliksik, subalit higit na mahalaga ang una, dahil ang kawalan ng validity ng pag-aaral ay nagpapahiwatig ng kawalang saysay ng ginawang pananaliksik.(walong (8) katangian na dapat taglayin ng isang mahusay at katanggap-tanggap na pananaliksik ayon sa datos ng Research methodology (n.d.))
validity